Panalangin
Wala nang tahimik na kalsada ngayon.
Binagtas na natin ang bawat daan;
Sumuot sa makikitid na sulok ng agam-agam
Hanggang sapitin ang pintuan ng walang katiyakan.
Sa ating pagkapiit, may dagim ng ligalig ang kisame;
Gabi-gabing pagbabadya ng unos
Na buhos ay pagkatigatig sa kahimbingan ng malay.
At sa nakasanayang alimpungat, iuusal ang panalangin
Sa himig ng mga tula. Mananalig na sa bisa ng mga talinghaga
Ay masusumpungan ang lunas sa karamdaman ng daigdig—
Isang himalang kahit sa pagbabalatkayo’y
Siya nawang magpahiwatig sa lupa.
Isang Liham
Kundi man sasapat ang bisa ng aking kalasag
Upang supilin ang banta ng panganib,
Ipag-antanda mo ako sa tapat ng altar
At damayan sa puspos na pananalangin.
Mahal, kay laking sigalot itong nilalabanan.
At batid kong ang pakikipagsapalarang ito’y
Isang pagsagwan sa daluyong ng alinlangan.
Hindi mawari ang lalim at bagsik ng tubig.
Tanging mga hampas ng alon ang tugon sa bawat daing;
Niyayanig ng takot ang mga adhikain.
Sa dilim, patuloy ang pag-apuhap sa mukha ng kaligtasan.
Sa panaginip, ilang ulit na’ng pagyugyog ng naulila sa yumao’y
Walang nakapaparam sa alingawngaw ng pagtangis.
Sa sandaling lamunin ng hilakbot ang dagat,
Nawa’y ibulong mo sa hangin ang pag-asang hindi maligaw
Sa patuloy kong paglalakbay
Patungo
Pabalik
Hanggang maabot-tanaw ang lunas.
Sa Aking Anak
Isinilang ka isang gabing may ulat ng libo-libong pagpanaw.
At sa batyang pinunô ng tubig, karamay ko ang iyong ina
Sa paghigop at pagbuga ng hangin hanggang ika’y mailuwal
Mula sa kanyang sinapupunan.
Anak, ito ang panahon ng ligalig.
Ang mundo’y nakikipagtuligsa sa hindi nakikitang kalaban.
Lumilikha ang tao ng puwang sa bawat isa—pananggalang—
Gayong sumisiksik sa katawan ang mga pangamba.
Anak, ito ang lantad na kasalukuyan.
Hinuhugasang kamay ang kaligtasan sa bawat araw.
Ikinukubli sa maskara ang katal ng labi
Habang sinasalaminan ng tapang ang mga mata.
Anak, inaapoy ng lagnat ang daigdig.
At habang patuloy na tinutuklas ang lunas,
Dasal ko’y sapat mong pag-unawa sa sandaling
Magkaroon ng kahulugan sa iyo ang paligid.
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments

#carryonlearning