sumulat ng talataan na tumatalakay sa kahalagahan ng edukasyon sa kanilang buhay bilang isang isang mag-aaral na may palamagat na: Ang Halaga ng Edukasyon sa Buhay Ko
ako ay isang mag-aaral na pangarap makatapos ng pag-aaral at makahanap mabuting trabaho
kaya tayo pinag aaral ng ating mga magulang kasi gusto nilang maging maayos ang buhay natin sa future at para hindi ka ma maliitin ng mga kapatid mo pagsikapan ang pag-aaral at pangako ko nagiging manager ako ng isang kumpanya at aalagaan ko ang mga magulang ko
Ang sanaysay na ito ay tumatalakay sa kagandahan ng edukasyon na maidudulot sa buhay ng isang tao. Sa pagkakaalam ng marami, ang edukasyon ay isang kayamanan na kailanman ay hindi mananakaw ng kanino man. Ang edukasyon ang ating susi sa kinabukasan. Ang daan tungo sa masaganang kabuhayan. Sa edukasyon tayo ay makakatuto ng mga pang akademikong babasahin at susulatin. Mga asignaturang hindi makikita sa loob ng bahay. Mga asignaturang pormal kagaya ng Matimatika, Siyensiya at Agham. Sa edukasyon rin tayo matututong alamin ang buhay ng mga bayani, ano ang kanilang naiambag sa lipunan at ano ang mga sanhi ng kanilang pagkasawi atbp. Ang lahat ng ito ay bunga ng edukasyon na pilit nating ididiin sa ating pagkatao.
Ang lahat ng mga bagay ay pinag-ugnay ng edukasyon at maaari itong gamitin sa pang araw-araw na buhay nang tao. Ang pagkakaroon ng isang mataas na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng ekonomiya ng isang bansa. Maaari itong magamit upang ma solusyonan ang mga pangunahing problema ng lipunan. Ang mga politikong may matataas na edukasyon ang nag iisip ng mga solusyon upang matugunan ang problema ng bayan. Ang mga abogadong nakapag-aral sa mga unibersidad na pinalinang ng edukasyon ang nagbibigay batas upang maprotektahan ang seguridad at kabutihang panglahat ng isang bansa. Ang mga guro na nagtuturo ng mga dapat matutunan ng isang mag-aaral ay nanggaling sa edukasyon na minsa'y kanilang natutunan sa kanilang guro. Lahat ng professional ay pinalinang ng edukasyon at dinala sila sa kinalalagyan nila ngayon. Sila na nagtuturo sa iba upang makabahagi ng mga natutunan nila sa pag-aaral.
Ang pinaka layunin ng edukasyon ay ang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay bagay mula noon hanggang sa kasalukuyan na maaaring madala natin sa hinaharap. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa ibang tao. Edukasyon din ang dahilan ng mga magagandang nangyayari sa ating mundo at sa kapaligiran nito. Mahalaga na alam ng bawat tao kung ano ang nakabubuting gawin sa tamang pag-alaga ng mundo. Kong kaya't ang edukasyon ang nagbukas sa realidad ng buhay ng tao.
Salamin ng magandang layunin ng edukasyon ang pagharap sa katotohang ito'y pilit na ipinagkakait sa mga taong kapos sa buhay. May ibang mga mag-aaral na hindi makapasok sa skwela buhat ng kahirapan. Mga taong isang kahig isang tuka, mga dukha. Nakalulungkot mang isipin pero iyon ang realidad ng buhay. May mga taong hindi pinalad na mabigyan ng sapat na edukasyon. Nakakatuwang isipin na minsa'y sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan" pero bakit ipinagkait sa kanila ang karapatang ito? Hindi ba dapat narapat lang na ibigay sa kanila lahat ng edukasyon na kanilang kailangan, upang matupad ang kanilang mga pangarap at maisakatuparan ang sabi ng ating pambansang bayani? Sana'y wala nang ganito, sana'y wala ng mahirap, sana'y wala nang taong kurap, sana'y bigyan sila ng atensiyon, sana'y magtulong-tulong tayong lahat.
At ngayon tatapusin ko ang sanaysay na ito sa mga katagang sana'y matuto tayong pahalagahan ang edukasyon.
Answers & Comments
Ang halaga ng edukasyon sa buhay ko
ako ay isang mag-aaral na pangarap makatapos ng pag-aaral at makahanap mabuting trabaho
kaya tayo pinag aaral ng ating mga magulang kasi gusto nilang maging maayos ang buhay natin sa future at para hindi ka ma maliitin ng mga kapatid mo pagsikapan ang pag-aaral at pangako ko nagiging manager ako ng isang kumpanya at aalagaan ko ang mga magulang ko
Answer:
"EDUKASYON ANG SOLUSYON"