Sa pagbabago ng lipunan batay sa progresong nais nitong maabot ay kapunapuna ang mga batas at alituntunin na nagnanais ng pagkakapantay pantay. Isa na dito ang pagbabago ng katayuan ng mga kababaihan sa lipunan; binigyan ng pansin ng pamahalaan ang karapatan ng mga ito na dati’y isa lamang palamuti sa tahanan.
Sa nakalipas na panahon edukasyon ay para lamang sa mga kalalakihan; nakatuon ang mga babae sa pagsisilbi sa kanilang magiging kabiak. Ang buhay ay umiikot lamang sa loob ng tahanan; sila ay walang boses at karapatan para ipaglaban ang sarili. Ang posisyon sa lipunan ay pawang sa mga kalalakihan lamang at doon sa sulok kababaihay matatagpuan. Walang karapatan mangarap at umabot ng sariling kinang na kanyang ikatatampok.
Sa pagkakasadlak ang bagong panahon ay naghudyat ng pagbabago; nagkaroon ng mga batas para sa pagpapaunlad ng mga natatanging kakayahan ng mga kababaihan. Ang dating pinapangarap na edukasyon ay nakamit at higit sa lahat nagkaroon ng babaeng presidente tanda ng kalayaan sa batayang umapak ng kanilang pagkatao. Ang pagkakapantay pantay ay tuluyang umiral; nagpasa ng mga batas na mag-iingat sa mga kababaihang inaabuso. Pinalakas ang kanilang pwersa at tuluyang namuhay ng may dangal, karapatan, dignidad, at pangarap.
Ang tagumpay ng kasalukuyang panahon ay bunga ng mga pagkakamali ng nakalipas; sa tulong ng edukasyon at matalinong pag-aanalisa nakabubuo ng bagong ideya na naglalayon ng kabutihan sa bawat nilalang sa mundo. Mahalin at patuloy na irespeto ang bawat nilalang sa mundo.
Answers & Comments
Sanaysay tungkol sa mga kababaihan noon at ngayon