Mukha ng kababaihan sa ika-21 Siglo, ibinida bilang haligi ng lipunan
Explanation:
Nakilala ko siya sa mga kuwentong isinulat ni Rizal, sa inukit niyang mga karanasan sa mukha ng kasaysayan at sa kababaihan ng kasalukuyan. Isinilang ang demokrasya, bumagsak ang diktaturya, patuloy niyang tinatahak ang mundong walang katiyakan naghahanap ng piitang masusuotan at magagalawan. Binansagan siyang makabagong kababaihan, ilaw ng tahanan, ngunit sa katunayan, nagsisilbing haligi ng lipunan. Siya ang modernong babae may iba’t ibang mukha, pangalan, kaanyuan at pinaniniwalaan, ngunit iisa lamang ang ipinaglalaban.
Kababaihan sa kasalukuyan
Patuloy na dala-dala ng kasalukuyan ang mga hamon sa kababaihan. Kahit na nagiging bukas na ang iilan sa kanilang mga karapatan at kakayahan, nananatili pa rin ang kanilang pag-aalinlangan sa katotohanan. Sa patuloy na pakikipaglaban para sa karapatan, tumitindi ang pwersa dahil hindi lamang iisa o dalawa ang kalaban.
Sa apat na dekadang pagtatrabaho ni Romabiles sa industriya, naging saksi siya sa mga diskriminasyon sa loob ng kaniyang trabaho. Kahit nagbago na ang panahon, patuloy umanong nananaig sa paligid ang karahasan at katiwalian laban sa kababaihan. “Minsan, may impluwensya sa paligid natin na baliktad - instead of empowering women, parang ipinapakita sa kanila na ganito sila,” pagsasaad niya. Hindi lamang kapwa ang kalaban, naroon din ang iba’t ibang pwersa at baluktot na kaisipang nakasisira sa imahe ng kababaihan.
Hindi man siya nakaranas nito, kinakailangan niya pa rin umanong magbanta, gumawa ng istratehiya, at alamin ang kaniyang papel at puwestong lulugaran. “Dapat makuha mo ang mga impormasyon na tama at from those information, you get empowered as a woman.”
Masasabing mahigpit pa rin ang gapos ng karahasan at katiwaliang bumabalot sa kasalukuyan sapagkat hindi pa rin nakakawala ang kababaihan sa loob ng piitan. Sa kabila nito, nagiging malinaw na sa nakararami ang papel na ginagampanan ng mga babae. Unti-unti ng lumuluwag ang puwang sa piitan at handa nang pumiglas para sa kalayaan at katotohanan.
Answers & Comments

i hope it's help you^^