Sa panahon ng pandemya, maraming kabataan ang nawalan ng pag-asa. Hindi na alam kung anong kurso ang kukunin at kung magpapatuloy pa ba sa kolehiyo. Maraming kabataan ang wala nang gana mag-aral, naglalaro nalang ng online games, nanonood ng telebisyon, at nanonood nalang ng k-drama. Ngunit sa kabila ng mga pangyayari ngayon, dapat nating ilagay sa ating isipan na habang tayo ay nabubuhay pa huwag na huwag tayong mawawalan ng pag-asa, isipin natin ang ating pangarap, isipin natin ang ating pamilya, ang ating kinabukasan. Wala tayong patutunguhaan kung hindi tayo kikilos. Maging masipag tayo at huwag nating hayaan na dahil sa virus na kumalat ay hindi na matutupad ang ating mga pangarap. Kahit nasa bahay lang tayo pilitin nating maging produktibo, magbasa ng mga libro at mag-ehersisyo. Lagi nating tandaan na hindi natin makakamit ang isang bagay na hindi dumaan sa paghihirap, i-apply natin ang salitang "hardwork" , maging matatag tayo sa lahat ng pagsubok na darating , at higit sa lahat huwag na huwag nating kakalimutan ang salitang "pray". Magdasal tayo, dahil kahit anong "hardwork" ang gagawin mo, kapag sinarili mo lang ang lahat ng ito hinding-hindi ito mangyayari kung walang dasal.
Kakayanin natin ang lahat nang ito kung tayo ay may pananampalataya at kung tayo ay naniniwala na ang ating pangarap ay magiging totoo.
Answers & Comments
Answer: