sumulat ng isang makabuluhang kuwento sa pamamagitan ng pag aayos sa mga pangyayari ba ipinakita ng komiks istrip sa ibaba. gumamit ng angkop na pang ugnay sa pagkukuwento. 150 hanggang 200 na salita ang gagamitin sa pagbuo ng maikling kuwento
Pa-help pls
Need ko na po kc
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Ang Mahiwagang Manika
Isang araw, ang manikang si Anshe ay malungkot dahil nag-iisa sya sa silid. Nang biglang umihip ang malakas na hangin. Ang manika ay tinangay ng hangin. Habang nasa himpapawid, ang manika ay lubos na nalungkot. Napadpad sya sa isang silid-aklatan, sa isang kwarto, sa kalsada.
Hanggang sa tumigil ang pag-ihip ng hangin. Ang manika ay nadala sa isang lugar kung saan may mga batang naglalaro. Masayang pinagmasdan ng manika ang mga bata. Dito, nakita nya na ang mga bata ay hindi na naglalaro ng manikang kagaya nya. Ang laruan na ng mga bata ay mga gadgets tulad ng ipad, celphone, laptop. Biglang nalungkot ang manika, hiniling nya na sana ay makasama nya ang mga manikang kagaya nya para sila ay sumaya.
Sa isang iglap, umihip muli ang malakas na hangin, tinangay ang mahiwagang manikang si Anshe. Nagulat sya dahil habang sya ay lumilipad pataas ay may paisa-isang manika na kasabay nyang lumilipad.
Ang mga manika ay masaya. Lahat sila ay nagpasya na magpadala na sa hangin kung saanman. Nakita ng mga bata ang paglisan ng kanilang mga laruang manika, nalungkot sila.
Explanation:
#BRAINLYFAST