Sumulat ng isang maikling paglalahad kung saan pipili ka ng isang karakter sa
pabulang tinalakay at babaguhin mo ang kaniyang karakter. Sundin ang
sumusunod na pamantayan: Gawin sa sagutang papel.
1. Ang paglalahad ay binubuo ng isang talata lamang.
2. Inilalarawan ang tauhang napili at ilalahad ang pagbabago sa kaniyang
karakter na gagampanan.
3. Sikaping gumamit ng iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin
Answers & Comments
Answer:
Tigre
Ang tigre ay naliwanagan sa mga masama niyang nagawa sa pamilya ng dalaga. Kung kaya't sinubukan nitong bumawi sa dalaga sa pamamagitan ng pagbabantay niya sa babae buong araw. Dinadalhan niya rin ng makakain ang dalaga. Labis man ang pighati at galit ng dalaga sa tigre ay hindi pa rin natinag ang tigre upang pangalagaan ang dalaga. Ngunit sa pagdating ng binata, nanaig pa rin ang kagustuhang gumanti ng dalaga sa tigre. Kung kaya't sa huling hininga ng tigre nang siya ay patayin, pinangako niya sa dalaga na sa kabilang buhay ay patuloy niyang babantayan ang dalaga.