Sumulat ng isang editoryal na nanghihikayat kaugnay ng paksang, “Ang buhay ay isang mahalagang handog mula sa Diyos kaya dapat ingatan at bigyang- halaga sa kabila ng hinaharap na pandemya.”
“Ang buhay ay isang mahalagang handog mula sa Diyos kaya dapat ingatan at bigyang- halaga sa kabila ng hinaharap na pandemya.”
Dalawang taon na tayong nakakulong sa ating mga tahanan. Hindi naging madali para sa atin ang mamuhay sa ganitong sitwasyon, laging naka-facemask kapag lalabas ng bahay, hindi maaaring magkaroon ng mga kasiyahan at ang pinakanakalulungkot ay ang pagsasasara ng mga paaralan.
Sa aking pagninilay-nilay, totoo ngang napakaswerte pa natin kung hanggang ngayon ay buhay pa din tayo, malusog, malakas at kasama ang ating pamilya. Isang napakalaking biyaya na ang patuloy na magising sa bawat umaga, mahirap man ang buhay, biniyayaan tayo ng panginoon ng panibagong araw upang mapaunlad ang ating sarili.
Ang buhay na kaloob ng Diyos sa atin ang tunay na pinakamagandang biyaya sa araw-araw. Ngunit marami sa atin ang nagiging pabaya at ipinagsasawalang bahala ang mga paalala upang makaiwas tayo sa mga sakit.
Dahil mukhang magiging normal na lamang ang sakit na ito sa hinaharap ay nararapat lamang na mas maging maingat na tayo sapagkat mahal ang magkasakit at upang maprotektahan na din natin ang bawat isa laban sa sakit.
Naniniwala akong ganito din ang iyong naiisip, tama ba? Siguradong napagtanto mo din na isa ka sa biniyayaan ng Panginoon ng buhay kaya nararapat lamang na ito ay pahalagahan, pagyamanin at huwag kalimutan na maging mabuti. Patuloy na magpasalamat sa Diyos at sadyang hindi Niya tayo pababayaan.
Explanation:
Editoryal na Nanghihikayat
ito ay editoryal na mabisang nanghihikayat sa mga mambabasa upang sumang-ayon sa isyung pinapanigan o pinaninindigan ng pahayagan.
Mga pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat
Sa pagnanais na mahikayat ang mambabasa sa isang opinyon o pananaw, makatutulong ang paggamit ng angkop na mga salita para sa layuning ito. Sa panghihikayat, nililinaw rin nito ang dahilan kung bakit dapat susugan ang isang gawain.
Tinatawag na pangatnig ang nasabing pang-ugnay. Ang pangatnig ay kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap. Ang mga pangatnig na karaniwang ginagamit sap ag-uugnay ay ang: at, pati, saka, o, ni, maging, subalit, ngunit, kung, bago, upang, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, sana, totoo, tunay, talaga, pero, at kung gayon. Karaniwang ginagamit ito sa pagbibigay ng opinyon.
Answers & Comments
Answer:

Matuto pa ukol sa editoryal na nanghihikayat:
brainly.ph/question/1914977
#BRAINLYFAST