Sumulat ka ng isang maikling sanaysay tungkol sa isang isyu o paksa na "Pagpapahalaga sa Wikang Filipino"
Answers & Comments
Alveryne
Sa kasalukuyan, mapapansin na ang na paggamit ng wikang Ingles ay mas tinuturing na kahangahanga kaysa sa paggamit ng wilang Filipino. Kung ikaw ay duda sa aking winika, pagmasdan mo na lamang ang reaksyon ng mga nakapaligid sa iyo habang ikaw ay nagsasalita sa wikang Ingles. Makikita mo ang pagkislap ng kanilang mga mata. Ang namimilantik nilang titig. Mapapansin mo ang kanilang admirasyon. Maaring nagugat ito sa ideolohiyang itinatak sa atin ng mga dayuhan na ang kanilang kultura, lingwahe, at paniniwala ay basehan ng karangyaan at pagiging edukado na hanggang ngayon ay makikita parin sa ating lipunan.
Nais kong ipaalala sa ating henarasyon kung gaano karikit, kung gaano kakaiba ang ating kultura, lalo na ng Filipino. Kung gaano katapang at kahanga-hanga si Flerida (mula siya sa libro ni Francisco Balagtas na "Florante at Laura"). Kung gaano kaelegante ang mga letra ng baybayin. Kung gaano kahangahanga ang istorya kung hindi napunit ang mga pahinang nagpapatunay na hindi mababaw ang ating pinagmulan. Nais kong ipakita na ang pagpapahalaga sa Filipino ay hindi natatapos sa dulo ng ating mga pluma habang nagsusulat ng sanaysay na naglalayong ipakita kung gaano kahalaga at paano mapapagalagahan ang Filipino. Nais kong tunay na mapahalagahan at makita ng ating kabataan ang tunay na pakiramdam na pinagmamalaki at pagpapahalaga sa Filipino, at sa ating kultura.

Answer:
inasyon ay madalas nangyayari kapag Ang tao ay bumabase sa pisikal na anyo
Ang dikrimasyon ay Ang pagpapakta ng hindi pantay na pagtrato sa kapwa tao.
Ctto
Explanation:
pa brainliest para expert na me:)