Mahalaga ang iniiwang diskurso ng lathalaing ito tungkol sa pagbabago ng salita o pahayag at produksyon ng kabataan tungkol dito. Partikular sa Ingles bilang paraan ng pagpapahayag ng sarili na tulad ng wikang Filipino ay may sinusunod ding balarila o grammar. Kaya kung pag-uusapan ang tama at estandard na gramatika ay mali nga ang pagkakagamit ng "my foot is more dirty" at ang konteksto ng salitang "ouchness" lalo na at nasa loob sila ng paaralan na nagtataguyod ng tamang paggamit ng mga salita kasama ang mga spelling. Kung kaya kailangan na patuloy itong pansinin upang maging maayos ang magiging panghinaharap na pormal na pagsulat at pagbuo ng mga nasa loob ng akademya.
Bagaman pa, dapat ding pansinin na kailangang pagsabayin ng mga Pilipino na patuloy na aralin ang FIlipino at Ingles. Sapagkat tumutulong ito na maging handa sa pagsabak sa mga pangangailangan ng mundo habang ginagamit at patuloy na nakikilala ang sariling identidad sa wika. Kaya sa aking pananaw dapat lamang hayaan ang kabataan na gamitin ang wikang kanilang gusto lalo na kung naiintindihan naman nila ito sa pakikipagtalastasan. Gayun pa man dapat bago mangyari yun ay may buo muna silang pagtingin sa kanilang unang wika para saan man sila dalhin ng iba pang wika ay hindi nila malilimutan ang kanilang sariling identidad. Mula gramatika hanggang sa iba't ibang pagpapakahulugan.
Answers & Comments
Verified answer
Sagot:
Pamagat ng Lathalain: Wrong Grammar
Kawing: https://philnews.ph/2021/02/16/ano-ang-lathalain-kahulugan-at-mga-halimbawa-nito/

#BRAINLYFAST