Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang teksto at saguti ang mga kasunod na tanong
sa inyong papel
Banta ng COVID-19
Sariling katha ni Catherine D. Diaz
Buwan ng Marso, 2020 nang magkaroon ng Enhanced Community
Quarantine dahil sa paglaganap ng Coronavirus o COVID-19. Malaking banta
ang sakit na ito sa kalusugan ng lahat dahil ito ay nakamamatay.
Nakahahawa o naipapasa ang sakit na ito kaya kailangang proteksiyunan,
ingatan at alagaan ang sarili.
Ang mga taong positibo sa COVID -19 ay nahihirapan sa paghinga, may
sintomas na lagnat, pamamaga ng lalamunan, ubo at pananakit ng katawan.
May mga positibo rin sa sakit na ito na hindi kinikitaan ng sintomas o ang
tinatawag na asymptomatic.
Proteksiyunan natin ang sarili at komunidad sa COVID-19. Para
maiwasan ang sakit na ito, ugaliing maghugas ng kamay nang madalas gamit
ang sabon at tubig, magsuot ng facemask pag nasa labas ng bahay, takpan
ang bibig kapag umuubo o bumabahing. Panatilihin din ang social distancing
at kalinisan.
Sundin natin ang mga tagubiling ito para maging ligtas tayo sa banta ng
COVID-19.
Mga Tanong:
1. Ano ang paksa ng binasang teksto?
2. Anu-ano ang sintomas ng COVID-19?
3. Paano mapangangalagaan ang sarili at komunidad laban sa
COVID-19?
4. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga tagubilin o patakaran na
ipinatutupad tungkol dito?
5. Para sa iyo, magmungkahi ng iba pang pamamaraan para makaiwas
sa mapanganib na sakit na ito.
patulong po palihog.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.