Subukin Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Ito ang pagtuon ng pansin sa mga espiritwal na bagay o mga bagay na panlangit sa halip na mga pisikal na bagay dito sa lupa.
A. ispiritwal
B. pagsamba
C. paniniwala
D. relihiyon
2. Ito ay paniniwala sa Diyos na dapat sambahin at ipahayag sa anomang partikular na sistema ng paniniwala na kinapapalooban ng mga alituntunin sa pamumuhay.
A. ispiritwal
B. Islam
C. Kristiyano
D. relihiyon
3. Ang sumusunod ay mga gawaing pang-espiritwal upang mapaunlad ang espiritwal na buhay ng isang tao MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. meditasyon
B. pagdarasal
C. pagbabasa ng Banal na Aklat
D. pagpuna sa mga ibang relihiyon
4. Si Marissa ay may kaklase na isang Muslim. Tuwing ika-3 ng hapon, lumuluhod ito at nagdarasal. Paano ipakikita ni Marissa ang pagrespeto niya sa pananampalataya niya sa kaniyang kaibigan?
A. Paalisin niya ito.
B. Pagtatawanan niya ito.
C. Tatahimik siya para hindi maistorbo ang kaklaseng Muslim.
D. Maglalaro sa tabi ng kaklaseng muslim habang nagdarasal ito.
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gawain ng isang taong may maunlad na espiritwal na pamumuhay?
A. Matulungin sa kapwa.
B. Nagdarasal bago matulog.
C. Pumupunta sa simbahan tuwing Linggo.
D. Mahilig bumili ng mga mamahaling damit.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.