SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
A. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung sang-ayon ka sa pahayag, MALI naman kung hindi
sa sariling kuwaderno
1. Isang hamon ang hinahanap ng ating wikang Filipino sa gitna ng pagbabago ng
panahon at modernisasyon sa lipunan.
2. Ang mayamang kultura ang siyang nagtulak sa pagbabago ng sitwasyon at polisiyang
pangwika
3. Dahil sa sosyal midya binago ang pamamaraan ng pamumuhay ng mga Pilipino pati
ang pakikipagtalastasan nito sa kapwa.
_4. Makikitang malawak ang impluwensiya ng internet, telebisyon, radyo at iba pa sa
sitwasyong pangwika ng ating lipunan.
5. Dahil din sa internet-based applications naging pamamaraan ito ng interaksiyon sa
pagitan ng mga tao dahil maaari na silang magbahagi, magkomento, at mag-edit ng iba't ibang
impormasyon sa isang virtual na komunidad.
6. Binago rin ang pananaw ng tao sa paggamit ng wika mula sa panonood ng teleserye
sa ibang bansa
7. Nangunguna rin ang sa mga radyo mapa FM man o AM ang paggamit ng wikang
Filipino sa kanilang pag-iire sa himpapawid.
8. Ang paggamit ng wikang Filipino ay hindi nang-aakit sa mas maraming manonood
at malilibang sa mga palabas at sa ganoong paraan kumita nang malaki.
9. Itinuturing na pinakamakapangyarihang midya sa kasalukuyan ang sitwasyong
pangwika sa telebisyon dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
10. Ang pagsasaling wika ay ginagamit sa mga sitwasyong mahirap maipaliwanag ang
isang salita o bagay na nagiging dahilan sa madaliang pagkaintindi sa nais maipahatid ng
nagsasalita
PAGLALAHAD
Sitwasyong pangwika ito ay mga pangyayaring nagaganap sa lipunan na may kinalaman sa
patakaran sa wika at kultura' Ito rin ay nakatuon sa pag-aaral sa mga lingguwistiko at kultural na
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon sa paggamit ng wika rito.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.