SUBUKIN PA NATIN!!

Basahin Ang ilang pagpapahalagang pilipinong makikita sa kahon at saka sumulat Ng iyong opinion Kung ito ba ay iyong namamalas pa sa kasalukuyan at Kung PAANO ito makatutulong upang mapalaki Kang isang mabuting tao at isang mabuting pilipino.

1. Pagpapahalaga sa pamilya- Sadyang mahigpit Ang pagkakabigkis Ng pamilyang pilipino. Masasalamin ito SA kanilang pagpapahalaga bilang magkakasama sa hirap man I ginhawa. Madalas sa isang tahanan ay kasama Ng mag-asawa at Ng kanilang mga anak Ang ilang kamag-anak Ng tulad Ng kapatid, tiya, tiyo, Lolo, Lola, at iba pa. Hindi nila Basta pinababayaan Ang kanilang mga kamag-anak na walang matutuluyan.

2. Paggalang sa mga nakatatanda- Ang pagmamano, paghalik sa pisngi, at pagbati ay Ilan lamang sa mga paraan Ng pagpapakita Ng paggalang sa mga nakatatanda. Ang mga Pilipino ay gumagamit din Ng magagalang na pananalita Kung sila'y nakikipag-usap sa mga nakatatanda. Ito Ang mga salitang po, opo, ho, oho.

3. Magiliw na pagtanggap sa mga bisita- Magiliaw o hospitable Ang mga Pilipino sa mga panauhin maging sila man ay kamag-anak, Kaibigan, kakilala, o dayunan. Kapag may pagdiriwang o pagtitipon sa tahanan ay sinisikap nilang masiyahan Ang lahat. Lubos nating pinahahalagahan Ang pagdalaw Ng mga panauhin sa ating tahanan.

4. Pagiging matulungin sa kapwa- Sa oras Ng sakuan af kahirapan Ang mga Pilipino ay laging handa sa pagtulong sa kapwa. Kung may namatayan ay taos-puso silang nakikiramay. Sa mga magiging biktima Ng iba't ibang kalamidad gaya Ng sunog, bagyo, lindol, at pagbaha, Ang pagtulong Ng mga Pilipino ay maasahan. Bukod sa pagiging matulungin Ng mga Pilipino ay marunong din silang tumanaw Ng utang loob.

5. Pagpapahalaga sa edukasyon- sa mga bagay, Ang higit na binibigyan Ng pagpapahalaga Ng mga Pilipino ay Ang edukasyon. Para sa marami Ang edukasyon ay susi upang maahon sa kahirapan Ang maraming Pilipino. Dahil dito, maraming mga magulang ang nagsisikap nang mabuti mapag-aral lamang Ang kanilang mga anak.

•PAGBIBIGAY NG MATATAG NA OPINYON•
1._______________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________

•PAGBIBIGAY NG NEUTRAL NA OPINYON•
1._______________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.