SUBUKIN NATIN
Panuto: B. Tukuyin kung ang tauhan sa bawat bilang ay nagpapakita ng pagkamalikhain. Isulat sa patlang ang salitang Oo kung nagpapakita ng malikhain at salitang Hindi kung hindi nagpapakita ng malikhain.
________1. Batang nagbabasa ng aklat sa liwanag ng ilaw ng isang tindahan.
________2. Dalawang batang lalaki na nag-aaway.
________3. Guro na gumugupit ng mga larawan sa lumang magasin para magamit sa klase.
________4. Magsasaka na nagpapalit ng tanim na halaman depende sa panahon.
________5. Pangkat ng kabataan na nagsasanay magsayaw sa plasa tuwing Sabado.
________6. Nanay na gumagawa ng panibagong putahe mula sa natirang ulam.
________7. Dalawang magkapitbahay na pinag-uusapan ang kabuhayan ng isa pang kalugar.
________8. Pari na hinahaluan ng masayang kuwento ang pagsesermon.
________9. Labandera na ginagamit na panlinis ng banyo ang tubig na pinagbanlawan.
________10. Negosyanteng nagbibigay ng bonus sa empleyado na hindi lumiliban sa trabaho.
Answers & Comments
2.Hindi
3.Oo
4.Oo
5.Oo
6.Oo
7.Hindi
8.Oo
9.Hindi
10.Hindi