Questions


October 2022 1 1 Report
Subukin Natin
Pagsasanay 2: Ilahad ang iyong sasabihin sa mga sitwasyinv nakatala sa ibaba gamit ang mga importak na uri ng salitang nasa loob ng panaklong.
1. Namasyal kayo ng Tita mong galing Hawaii at may gusto kang ipabili sa kanya. (Banyaga)
2. Naligaw ka sa loob ng shopping mall. Paano ka magtatanong sa mga taonv pwede mong hingian ng tulong para ituro sa iyo ang daan palabas? (Kolokyal)
3. Nais mong makakuwentuhan ang kababata mo na galing sa inyong probinsya. Paano ka magsisimula? (Lalawigan)
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon
Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa mga impormal na salita. Ang impormal na salita ay nauuri sa apat.
1. LALAWIGANIN (PROVINCIALISM) - ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang nv pook na pinaggagamitan nito. Kapansin-pansin ang mga lalawigang salita,bukod sa iba ang bigkas,may kakaiba pang tono ito.
Halimbawa:tugang (Bikol),dako (Bisaya),ngarud (Ilocano)
2. BALBAL (SLANG) - ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa: Erpat - tatay
Tsikot - kotse
Sikyo - security guard
Lispu - pulis
Yosi - sigarilyo

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.