Subukin Natin Gawain 1: Gawin Ko, Kakayahan Ko! Panuto: Basahin ang anekdota at sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang iyong mga sagot. Umuwi si Tom sa kanyang bahay na may dalang sulat mula sa mga opisyal ng paaralan. Si Tom ay may pagkabingi bunga ng isang karamdaman. Inaakala ng mga opisyal ng kanyang paaralan na mahina ang ulo niya at wala siyang kakayahang matuto. Nang mabasa ng kanyang ina ang sulat ay nagpasya itong siya na lamang ang magturo sa anak. Dati itong guro at may mahusay na silid-aklatan sa kanilang bahay. Nang mamatay si Tom noong 1931, ipinakita ng Amerika ang kanilang pagdadalamhati sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw sa kanilang mga bahay sa loob ng isang minuto. Ito ay simbulo ng kanilang pagbibigay-halaga kay Thomas Alva Edison- ang imbentor ng bumbilya (lightbulb), motion picture, at phonograph. Sa kanyang buhay siya'y nakapagpa-patent ng 1,093 imbensyon sa Amerika. Mahusay din siyang magsulat ng mga katagang nakapagbibigay-inspirasyon.
1. Ano sa palagay mo ang pangarap ni Thomas Edison? Patunayan.
2. Ano ang naging papel ng nanay ni Tom sa kanyang naging tagumpay? Ipaliwanag.
3. Masasabi mo bang naayon sa plano ng Diyos ang kanyang mga mithiin? Pangatwiran
Answers & Comments
Answer:
Thanks for the big p.t.s
Verified answer
Answer:
1. Si Thomas Alva Edison ay isang tanyag na imbentor na nagmula sa Estados Unidos. Siya ang kauna-unahang nagimbento ng incadescent light bulb o ilaw ng bombilya at siyang nagpakilala ng artipisyal na ilaw sa mga tao.
2.Sumusuporta sakanya upang maging matagumpay.
3.Masasabi kong oo plano ng Diyos ang ating mga mithiin o layunin sa ating buhay kung ang ating mga hinihiling at ginugusto ay nangyayari at natutupad. Patunay lamang ito na plano din ng Diyos ang plano natin sa ating buhay, kung naaayon ang mga nangyayari sa ating mga kagustuhan. Ibig sabihin nito, gusto rin ng Diyos na mangyari ito sa atin, parehas ang mithiin mo at layunin ng Diyos sa iyo. Ibig sabihin nasa tamang landas ang iyong tinatahak.
Explanation:
#hope it helps