Si Jayden, Ang Batang Masinop Maagang nagising si Aleng Mae, araw kasi ng oryentasyon ng mga magulang kung paano nila magagabayan ang kanilang anak sa pag-aaral ngayong pandemya. Modular Learning Modality ang napili nila para sa pag-aaral ng anak na nasa ika-anim na baitang. Kasama niyang dumalo sa virtual na oryentasyon ang anak na si Jayden. Pagkatapos ng oryentasyon, nagsimula na si Jayden mag-ayos ng kaniyang mga gamit sa pag-aaral. Hinalukay niya ang mga lumang kuwaderno, tinanggal ang mga pahinang nagamit na at pinagsama-sama ang mga walang sulat. Tinahi niya ito at nilagyan ng cover. Nasa kaniyang tabi ang lumang pencil case at mga ballpen, pati mga lapis at pantasa. “Jayden, anong ginagawa mo anak?” tanong ng ina. “Ay! Sinisinop ko po ang mga gamit ko noong nasa ikalimang baitang po ako. Sayang naman po kung hindi magagamit ang mga ito. Maaari ko pa pong gamitin ito bilang sagutang-kuwaderno kung sakaling kakailanganing ilakip sa modyul na matatanggap natin, hindi po ba Inay?” ang nananabik na sagot ng anak. “Ano naman ang gagawin mo riyan sa mga lumang lapis mo? Bibilhan ka naman namin ng Itay mo ng bago kapag nakasahod na siya. Sa Oktubre a singko pa naman ang pasukan at matagal-tagal pa iyon”, dagdag pa ng ina. “Inay naman, sayang po ang mga ito. Kung sakaling kukulangin, saka nalang po ninyo ako ibili ng karagdagang gamit. Gamitin muna ninyo ang sahod ni Itay pambili ng ibang kailangan natin dito sa bahay”, paliwanag ng ina ni Jayden. “O sige kung iyan ang gusto mo, ikaw ang bahala. Hala bilisan mo na riyan at maglalaba pa ako”, pahabol ng ina. “Opo inay, hayaan mo’t ipag-iigib kita mamaya ng tubig pambanlaw mo kapag natapos ko nang ayusin itong mga lumang gamit ko”, pangiting sagot ni Jayden. Ipinagpatuloy ni Jayden ang kaniyang ginagawa. Nang matapos niya ang mga ito, kaagad niyang binitbit ang timba at ipinag-igib ang kaniyang ina.


ITO PO YUNG TANOG \/

Subukin mong ipakita ang pagiging malikhain, magbigay ng iyong sariling wakas ng kuwento. Isulat ito sa maikling talata na may tatlong pangungusap.

need kona po talaga​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.