Questions


October 2022 1 4 Report
Subukin Magandang buhay! Handa ka na ba sa panibagong hamon? Halina’t pag-aralan natin ang paggamit ng pang-abay (panlunan, pamaraan, pamanahon) sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. Ang mga uri ng pang-abay ay ginamit sa pahayag sa ibaba. Kilalanin ang uri ng pang-abay at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. “Sanay ang anak ko na nakahiga nang patagilid,” sambit ni Aling Minda. Anong uri ng pang-abay ang makikita sa pangungusap?
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamaraan
C. Pang-abay na Pamanahon
D. Pang-abay na Pamilang
2. “Halina kayo, maraming masasarap na pagkain sa kantina,” yaya ni Ana sa kaniyang mga kaklase. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay na Panlunan
B. Pang-abay na Pamaraan
C. Pang-abay na Pamanahon
D. Pang-abay na Pang-agam
3. “Inay, bakit gabi-gabi, ikaw ay nakikita kong umiiyak?”, tanong ni Nene sa ina. Anong uri ng pang-abay ang may salungguhit?
A. Pang-abay na Pamanahon
B. Pang-abay na Panlunan
C. Pang-abay na Pamaraan
D. Pang-abay na Pamilang
4. “Sa Lunes ka na magsisimula sa iyong bagong trabaho,” sabi ng manedyer kay Roland. Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa pangungusap?
A. Pang-abay na Pamaraan
B. Pang-abay na Panang-ayon
C. Pang-abay na Panlunan
D. Pang-abay na Pamanahon​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.