Subukin Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa papel.

1. Alin sa apat ang hindi kabilang sa tatlong pinakagampanin ng mga magulang sa kanilang mga anak?
A. Pagbibigay ng edukasyon
B. Paghubog ng pananampalataya
C. Pagbibigay ng pagkain at tahanan D. Paggabay sa paggawa ng mabuting pagpapasiya

2. Ang karapatan para sa___ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
A. Kalusugan
B. Edukasyon
C. buhay
D. pagkain at tahanan

3. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
A. Si Romeo at Juliet na nagpaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.
B. Sina Sophia at Daniel na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap.
C. Si Carmina at Zoren na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga Gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap. D. Sina Juday at Ryan na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

4. Bakit itinuring na pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
A. Dahit kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan.
B. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
C. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
D. Dahil ang kanilang mga ipinakitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.

5. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng
A. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
B. Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-awasa.
C. Susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
D. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.