Questions


February 2022 2 6 Report
Story:

Matukoy Mo Kaya?

Naglilinis noon si Marina ng silid ng nanay nang bigla siyang nakakita ng buklet sa sahig. Hindi niya alam na iyon ay talaarawan ng kaniyang nanay. Binuklat niya at binasa ang nilalaman.

Hulyo 18 – Mapula at namamaga ang mga mata ko. Kusang tumutulo ang luha sa pisngi ko. Napaligiran ako ng mga anak ko. Mahina lang silang umiiyak. Nasa tabi kami ng kama ni Noli.

Hulyo 19 – Maraming tao ang nasa bahay namin, mga kaibigan, kapitbahay, at kamag anak. May gumagawa ng korona at ang iba naman ay naghahanda ng meryenda. Nagkukuwentuhan kami noon ng kumareng Toning nang dumating ang malaki at maitim na sasakyan. Hindi ko mapigil ang kalungkutan at ako’y nawalan ng malay-tao.

Hulyo 20 – Pumunta ang maraming kapitbahay sa amin upang kami ay aliwin. Magdamag silang naglaro ng cards at nang sa gayon ay maipakita at maipadama sa amin ang taos-pusong pakikiramay. Talagang hindi ko makalimutan ang mabuting gawaing ipinakita sa amin ng aming mga kaibigan at kapitbahay.

Pinagkunan: Hiyas sa WIika at Pagbasa 5 (Manwal ng Guro) pahina 127-129

Question:

1.Ano ang ginawa ni Marina sa silid ng nanay?

a.naglilinis
b.natutulog
c.naglalaba
d.naglalakad
2.Ano ang nakita ni Marina sa sahig?

a.bag
b.pitaka
c.buklet
d.laruan
3.Bakit malungkot ang nanay at mga anak?

a.Namatay si Mang Noli.
b.Nadukutan si Mang Noli.
c.Nangibang bansa ang isang anak.
d.Natalo si Mang Noli sa paligsahan.

4.Ano sa palagay mo ang malaki at maitim na sasakyan?

a.ambulansiya
b.sasakyan ng pangulo
c.sasakyang panlibing
d.sasakyan ng ikakasal
12. Anong nangyari kay Mang Noli?

a.namatay
b.nagkasakit
c.natalo sa halalan
d.nangibang bansa

Sana may mag answer need ko po now​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.