1. Mabilis matuto sa paningin at pag aayos ng mga ideya.
2. Talino sa pagbikas o pagsulat ng salita.
3. Mabilis na matuto sa pamamagitan ng
pangangatwiran at paglutas ng suliranin.
4. Talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.
5. Talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.
6. Talino sa interaksyon o pakikipag ugnayan sa ibang tao.
7. Natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga at pananaw.
8. Natututo sa pamamagitan ng pag-uulit
ritmo o musika.
9. Natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksyon sa kapaligiran.
10. Mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga mahalagang salita at petsa.
A. Bodily Kinesthetic
B. Existential
C. Intrapersonal
D. Interpersonal
E. Mathematical/Logical
F. Naturalist
G. Verbal/Linguistic
H. Visual/Spatial
I. Musical Rhymthmic
Answers & Comments
Answer:
1.visual/spatial
2.Verbal/Linguistic
3.mathematical/logical
4.Naturalist
5.bodily kinesthetic
6.
Explanation:
Visual/Spatial.Ang taong may talinong ito ay mabilis natututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya. Nakagagawa siya ng mahusaynapaglalarawanngmgaideyaatkaailangandinniyangmakitaangpaglalarawannitoupang maunawaanito.Siya’y may kakayahanna makita sa kanyang isip ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto o makalutas ng suliranin. May kaugnayan din ang talinong ito sa kakayahan sa matematika. Ang mga larangan na angkop sa talinong ito ay sining, arkitektura, at inhinyeria.
Verbal/Linguistic. Ito ang talino sa binibigkas o isinusulat na salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukwento, at pagmememorya ng mga salita at mga petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig sa pagtuturo o nakikipagdebate. Mahusay siya sa pagpapaliwanag, pagtuturo, pagtatalumpati o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali para sa kanya ang matuto ng ibang w ika. Ang mga larangan na nababagay sa talinong ito ay pagsulat, abugasya, journalism, polítika, pagtula at pagtuturo.
Mathematical/Logical. Ang taong may talinong ito ay mabilis natututo sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin o “problem solving”. Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw at bilang. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer programming, at iba pang kaugnay na gawain. Gayunpaman mas malapit ang kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract patterns, at kakayahang magsagawa ng mga komplikadong pagtutuos. Ang mga larangan na kaugnay nito ay ang pagiging scientist, mathematician, inhinyero, duktor at ekonomista.
Bodily/Kinesthetic. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga konkretong karanasan o interaksyon sa kapaligiran. Mas natuto siya sa pamamagitan ng pagamit ng kanyang katawan, tulad halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro. Sa kabuuan mahusay siya sa pagbubuoatpaggawangmgabagaygayangpagkakarpintero. Mataasangtinatawagna muscle memory ng taong may ganitong talino. Ang mga larangang karaniwang kanyang tinatahak ay ang pagsasayaw, sports, pagiging musikero, pag-aartista, pagiging duktor – lalo na sa pag-oopera, konstruksyon, pagpupulis, at pagsusundalo.
Musical/Rhythmic. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan. Natural na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang taong may ganitong talino.
Intrapersonal. Ang taong may talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert. Mabilis niyang nauunawaan at natutugunan ang kanyang nararamdaman at motibasyon. Malalim ang pagkilala niya sa kanyang angking mga kakayahan at kahinaan. Ang mga larangang kaugnay nito ay pilosopiya, sikolohiya, teolohiya, marine biology, abogasya, at pagsulat.
Interpersonal. Ito ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang
pangkat. Ang taong may mataas na interpersonal intelligence ay kadalasang bukas sa kanyang pakikipagkapwa o extrovert. Siya ay sensitibo at mabilis na nakatutugon sa pagbabago ng damdamin, motibasyon, at disposisyon ng kapwa. Mahusay siya sa pakikipag-ugnayan at may kakayahang mailagay ang sarili sa sitw asyon ng iba o may empathy sakapwa.Siyaayepektibobilangpinunootagasunod man. Kadalasansiya’y nagiging tagumpay sa larangan ng kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo o edukasyon at social work.
Naturalist. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi ng lahat ng larangan.
Existential. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa sansinukob. “Bakit ako naririto?” “Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?” “Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa lipunan?” Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pagunawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan.
Explanation:
pa brainlist nalang po please please po Kahi ISA Lang po