Questions


October 2022 2 6 Report
sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.
1. Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakababatang kapatid sa
pagsagot sa inyong nanay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa.
B. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya.
C. Sasabihin ko na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na sumagot nang
may po at opo sa mga nakatatanda.
D. Sasabihan ko si Nanay na paluin siya.
2. May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang iyong tatay na
turuan siya ng larong Pinoy. Ano ang ituturo mo sa kanya?
A. Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng computer games
B. limbitahan ko siyang magbasketbol.
C. Magkukunwari akong hindi narinig ang Tatay dahil mahihirapan lang akong
mag-Ingles kapag tinuruan ko siya.
D. limbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.
3. Sinabihan kayo ng iyong guro na kayo ay magsasayaw ng Tinikling sa pagdiriwang ng
Buwan ng Wika. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling.
B. Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo.
C. Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng pagtatanghal.
D. Makikiusap ako na hiphop na lang ang isayaw namin dahil iyon ang uso.
4. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong Yolanda, hindi natinag ang
mga Pilipino. Nagtulong-tulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief
goods, muling pagtatayo ng kanilang bahay at pagdarasal para sa kanila. Mahirap
mang pumunta sa mga nasalantang lugar dahil sira-sira ang mga daan, hindi ito
inalintana ng mga kababayan natin. Isa itong patunay na likas na sa bawat Pilipino ang
pagiging:
A. bayani
B. matulungin
C. madasalin D. mapagbigay
5. Matematika. Laging mababa ang kaniyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala,
matataas lagi ang iyong nakukuha dahil naunawaan mo nang mabuti ang itinuturo ng
iyong guro.
A. Maaawa ako sa kaniya.
B. Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral kami ng leksiyon namin sa
Matematika.
C. Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro.
D. Sasabihan ko siyang mag-aral nang mabuti.
6. Isinama ka sa Davao City ng iyong pinsan na nagbalikbayan mula sa ibang bansa. Sa
isang parke roon, may isang lugar na nag-aanyaya ng libreng tikim ng kanilang
ipinagmamalaking prutas na durian.
A. Hindi ako papayag dahil mabaho at hindi ako sanay kumain ng prutas na ito.
B. Papayag ako dahil mainam na matikman ko rin ang lasa ng durian para hindi na
ako magtatanong tungkol sa lasa nito.
C. Papayag ako dahil bahagi ng pagpasyal ko sa lugar na iyon ang tuklasin anuman
ang kultura ng mga tao rito.
D. Wala sa nabanggit​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.