Questions


May 2022 1 0 Report
Sitwasyon Blg. 2
Si Paolo ay labing-apat na taong gulang. Nangako ang kaniyang ina na papayagan siyang
manood sa isang cosplay na magaganap sa kanilang lugar sa kondisyong mag-iipon siya ng
pambayad sa pamamagitan ng pag-aalaga ng baboy at sa pagtitipid mula sa kaniyang baon sa
paaralan upang may maipambili ng tiket. Nagawa ni Paolo na malikom ng pera para pambili ng tiket
at nagkaroon pa ng sobra. Ngunit nagbago ang isip ng kaniyang ina at sinabi na mas makabubuti
kung ilalaan na lamang niya ang kaniyang perasa pagbili ng bagong damit at gamit para sa
kaniyang pag-aaral. Labis na pagkabigo at pagkalungkot ang naramdaman ni Paolo. Ngunit sa
kabila nito ay nagpasiya pa rin siya na ipagpatuloy ang kaniyang plano. Bumili pa rin siya ng tiket at
nagdahilan sa kaniyang ina na maliit na halaga lamang ang kaniyang naipon. Nang dumating ang
araw na iyon, nanood siya at sinabi sa kaniyang ina na magpapalipas buong araw kasama ang isang
kaibigan. Lumipas ang isang linggo at hindi nalaman ng kaniyang ina ang ginawa niya pero sinabi
niya ang lahat sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Nikko. Iniisip ni Nikko kung ipaparating ba
niya sa kanilang ina ang ginawa ni Paolo
Mga Tanong:
1. Nararapat bang sabihin ni Nikko sa kanilang ina ang pagsinungaling ni Paolo tungkol sa
pera o mananahimik na lamang? Bakit?
2. Ang pagsasabi ba ng katotohanan at pagiging totoo ay may kinalaman sa pagiging isang
mabuting anak? Bakit?
4. Sa kaniyang pag-aagam-agam na sabihin ang katotohanan, iniisip ni Nikko ang kaniyang kapatid. Maaari
ba itong makaapekto sa kaniyang gagawing pagpapasiya? Ipaliwanag ang iyong saloobin.
5. Ang pagbitaw ba ng pangako ng ina ni Paolo ang pinakamahalaga sa sitwasyon na ito? Bakit
o bakit hindi?

Plls Patulong​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.