Sitwasyon 2
Siya ay si Venn lan Lloyd isang masipag at mabuting mag-aaral sa grade 7, sa
6. Ang kanyang problema sa ngayon ay hindi na siya masyadong naka pokus sa
kanyang pag-aaral dahil naghiwalay ang kanyang mga magulang. Ang kanyang
upang magkakaroon ng perang pangtustus sa kanilang mga panganga-langan.
ama ay may iba ng babae. Ang kanyang ina ay naglalabada lang sa kapitbahay
Tatlo silang magkakapatid na nag-aaral, Dahil maliit lang kita ng kanyang ina
sa paglalabada hindi na masyadong matustusan ang kanilang panganga-ilangan
sa pag-aaral sa tuwing may pasukan. Sa katunayan wala silang pambaon at
pambili ng kagamitan para sa mga proyekto sa bawat asignatura.
May plano siya na hihinto nalang muna sa kanyang pag-aaral at maghanap ng
trabaho upang makatulong sa kanyang ina.
Ano ang maipapayo mo sa kanya?
Ano ang mga pagpapahalaga na tinutukoy dito?
Answers & Comments
ang maipapayo ko ay hindi kailanman magiging tamang desisyon ang pagtigil sa pag-aaral sapagkat ito'y makakatulong sa pag-ahon natin sa kahirapan. kaya, ay ang maipapayo ko sa kaniya ay humingi ng kaunting tulong sa mga kamag-anak o di kaya'y sa guro. ang pagpapahalaga na tinutukoy dito ay ang seguridad para sa kinabukasan sapagkat kung bibitaw na siya sa kanyang pag-aaral ay nangangahulugan lang na bumibitaw na siya sa kanyang kinabukasan.