Sitwasyon 1:
Humanga ang iyong mga kaklase
dahil sa pambihirang galing na ipinakita mo sa
isang paligsahan. Lumapit sila sa iyo at binati
ka. Hindi mo akalaing may kaklase ka na
siniraan ka dahil sa inggit sa iyo. Ngunit mas
minabuti mong manahimik at ipagsabalikat na
lamang bagaman nakaramdam
ng
pagkapahiya. May kaibigan ka na nagsabing
naniniwala silang hindi iyon totoo.
ka
Sitwasyon 2:
Nasaksihan mo ang pananakit ng
isang bully sa iyong kaklase sa loob ng
klasrum. Dahil sa takot na baka madarnay ka
hindi mo ito isinumbong sa kinauukulan
Sitwasyon 3:
Nagbilin ang inyong guro na
sabihan ang pangulo ng inyong klase na
magpulong para sa paghahanda sa darating na
Foundation Day ng paaralan. Biglaang
nagyaya ang iyong mga kaibigan na pumunta
sa birthday party ng isang kaklase kung kaya
nakalimutan mong ipagbigay-alam ang bilin sa
iyo.
1. Ano ang iyong mga reaksyon sa bawat sitwasyon?
2.Kung ikaw ang nasa unang sitwasyon, susundin mo ba ang udyok ng iyong damdamin? Bakit? Bakit hindi?
3.Sa ikalawang sitwasyon, makatutulong ba ang pananahimik mong huwag magsumbong? Masasabi bang mayroon kang pananagutan bilang saksi sa ginawang pananakit ng iyong kaklase sa kapwa mo kaklase? Ipaliwanag.
4.Sa ikatlong sitwasyon, gaano ang bigat ng iyong pananagutan sa pagbibigay ng bilin sa iyong hindi sadya ay nakalimutan mo?
5.Kung ikaw ang nasa sitwasyon 1, 2 at 3, ano ang nararapat mong gawin na magpapamalas ng makataong kilos?
6.Paano dapat ipamalas ng tao sa kanyang araw-araw na buhay ang paggamit ng isip at kilos-loob sa pagtugon sa mga gawaing nangangailangan ng panagutan?
Answers & Comments
Verified answer
1. Lahat ito ay karaniwang nangyayari sa paaralan kaya hindi na mababago ang aking reaksyon.
2. Oo, huwag na lang silang patulan at hayaan ko na lang silang siraan ako, sabi nga ng iba, huwag kailanman gaganti ng masama sa masama.
3. Walang maitutulong ang pananahimik dahil may pananagutan ako, kung mananatili lang akong tahimik, baka may mapatay pa akong tao dahil dito.
4. Hindi naman gaano kalaki o kaliit dahil pwede pa naman ding pag-usapan iyon bukas at hindi ko naman talaga sinasadya na kalimutan iyon, pero pinagkatiwalaan din naman ako kaya hindi naman din ata gaano.
5. Dapat tayong maging matapang, matiisin at mapagkakatiwalaan.
6. Dapat maging bukal sa kalooban ang iyong paggawa ng mga bagay na may pananagutan at lagi nating iisipin kung ano ang pananagutam nito bago natin gawin.