Questions


October 2022 1 0 Report
Sitwasyon 1.
Humanga ang iyong mga kaklase dahil sa pambihirang galing na ipinakita mo sa isang paligsahan. Lumapit sila sa iyo at binati ka. Hindi mo akalain na may kaklase ka na siniraan ka dahil sa inggit sa iyo. Ngunit mas minabuti mong manahimik at ipagsabalikat na lamang bagaman nakaramdam ka ng pagkapahiya. May kaibigan ka na nagsabing naniniwala silang hindi iyon totoo.

Tanong: Dapat ka bang magpakita ng galit dahil sa iyong pagkapahiya? Bakit?

Sitwasyon 2:
Nasaksihan mo ang pananakit ng isang bully sa iyong kaklase sa loob ng klasrum. Dahil sa takot na baka madamay ka, hindi mo ito sinumbong sa kinauukulan.

Tanong: Mapapanagot ka ba sa iyong pananahimik? Bakit?

Sitwasyon 3:
Nagbilin ang inyong guro na sabihan ang pangulo ng inyong klase na magpulong para sa paghahanda sa darating na Foundation Day ng paaralan. Biglaang nagyaya ang inyong mga kaibigan na pumunta sa birthday party ng isang kaklase, kung kaya nakalimutan mong ipagbigay-alam ang bilin sa iyo.

Tanong: May pananagutan ka ba sa maaaring kahinatnan dahil hindi mo nasabi ang ipinagbilin sa iyo? Bakit?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.