Si Mariano Llanera ay isinilang noong Nobyembre 19,1855 ng kanyang mga magulang na sina Enriquez Llarena at Juana Nuñez sa Gapan, Nueva Ecija na siyang mga tubong Cabiao. Siya ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran. Pagkatapos niyang mag-aral ay itinalaga siyang cabeza de barangay at punong barangay ng dalawang termino noong panahon ng mga Espanyol. Pagkalaunan, katulad ni Gregorio del Pilar ay hinirang din siyang isa sa mga Heneral ng hukbo noong panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila. Naging tenyente heneral din siya pagkapanaw ni Antonio Luna. Siyaay nagkaroon ng dalawang asawa na sina Salome Siao-Paco, na pinakasalan niya noong taong 1877 at Feliza Balajandia, na pinakasalan naman niya noong taong 1919. Sa kanyang pagpapakasal ng dalawang beses ay nagbunga ng labimpitong anak, at isa na rito ang makikilala rin natin sa panahon ng rebolusyon bilang isa sa mga Heneral ng hukbo na si Eduardo Llarena.
Answers & Comments
Answer: