Questions


October 2022 1 15 Report
sino matalino Jan?patulong Nan pi o
please thanks you po

Kung blurd po ito po.












Pagyamanin

Gawain 1

Ang kuwentong bayan, alamat, epiko, at mito ay bahagi ng kulturang materyal ng mga Pilipino.

Isa sa mga pangkat etniko sa Pilipinas ay ang Ifugao na naninirahan sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon. Mayaman sila sa mga kulturang materyal tulad ng popular nilang epikong, "Hudhud ni Aliguyon".

Basahin ang buod ng Hudhud ni Aliguyon na nasa ibaba at tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa epiko. Sa pamamagitan nito, mas mapapahalagahan ninyo ang isang bahagi ng kanilang kulturang materyal.






Hudhud ni Aliguyon

Isang araw sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng iba't ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kaniyang ama ay marami. Natuto siya kung paano makipaglaban nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit noong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kaniya.

Nang magbinata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Pangaiwan, ang kaaway ng kaniyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kaniyang hamon ay hindi si Pangaiwan. Ang humarap sa kaniya ay ang mabangis na anak nito, si Dinoyagan na bihasa rin sa labanan tulad ni Aliguyon.

Hindi nag-alinlangan, pinukol ni Aliguyon ng sibat si

Dinoyagan. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Dinoyagan upang

iwasan ang sibat. Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni

Dinoyagan ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din.

si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang

humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli ka

Dinoyagan.





Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at Dinoyagan. Umabot na ng ilang taon ay hindi pa rin tumitigil ang labanan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko ang dalawa. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban. at pagdaka'y natuto silang igalang ang isa't isa.

Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Dinoyagan at sa wakas ay natigil ang labanan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa Buong lugod na sumang-ayon ang lahat ng tao sa nayon ng Hannanga at Daligdigan, at ipinagdiwang nila ang pagkakaibigan ng dalawa.

Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang dalawang nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Dinoyagan. Naging asawa ni Aliguyon si Bugan, kapatid ni Dinoyagan samantalang napangasawa naman ni Dinoyagan ang kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya.

Ang dalawang pamilya ay iginalang ng lahat sa Ifugao at namuhay nang masaya.

Suriin ang epikong iyong binasa. Sagutin ang mga gabay na tanong sa pagsagawa nito:

1. Bakit tiningala na si Aliguyon bilang pinuno ng mga tao sa

Hannanga kahit noong siya ay bata pa?

2. Paano naglaban sina Aliguyon at Dinoyagan?

3. Anong aral ang natutuhan mo mula sa epiko?

4.Nagustuhan mo ba ang epiko? Bakit?


yan po.thank you po ulit pakisagut po nang maayus

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.