Si Francisco Baltazar ang sumulat ng Florante at Laura. Siya'y kinikilala rin bilang Kiko o Balagtas. Siya'y nakipag-isang dibdib noong Hulyo 22, 1842 kay Juana Tiambeng y Rodriguez. Nagkaroon sila ng labing-isang anak, limang lalaki at anim na babae. Sa kasawiang palad, pito sa kanila ang namatay at apat lamang ang umabot sa katandaan.
Maikling Talambuhay Ni Francisco Baltazar
Si Francisco Baltazar ay isinilang noong Abril 8, 1788 sa Panginay, Bigaa Bulacan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar. Siya ay may tatlong kapatid na sina Felipe, Concha at Nicholasa. Nag-aral naman siya sa Colegio de San Jose at Colegio de San Juan de Letran. Nagtapos siya ng pag-aaral sa 24 taong gulang noong 1812.
Si Francisco Baltazar ay unang umibig kay Maria Asuncion Rivera. Siya ang naging inspirasyon niya. Ngunit naging kaagaw niya rito si Mariano Capule na isang mayaman na tao at malakas sa pamahalaan. Ipinakulong siya nito. Sa kulungan niya naisulat ang Florante at Laura.
Taong 1838 nang siya ay makalaya. Nakilala niya si Juana Tiambeng y Rodriguez. Namatay si Francisco Baltazar sa gulang na 74 noong Pebrero 20, 1862. Siya ay tinaguriang Ama ng Tulang Tagalog at Prinsipe ng mga Makatang Tagalog.
Answers & Comments
Answer:

Mga Naisulat ni Francisco Baltazar
Orosman at Zafira
Clara Belmori
Rodolfo at Rosamonda
Abdol at Miserena
Mahomet at Constanza
Almazor y Rosalina
Paalam sa Iyo
Parangal sa Isang Binibining Ikakasal
#LearnWithBrainly