Sino ang hindi nakakakilala ng niyog? Halos lahat ng tao ay kilala ito, sapagkat isa ito sa mga biyaya ng Dios na may napakaraming nakukuhang benepisyo.
Ano-ano nga ba ang mga produktong gawa sa niyog? Itala ang iyong mga sagot sa loob ng bawat larawan nito na nasa ibaba.
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Ang niyog ay kilala bilang makabuluhang puno dahil sa dami ng maaring makuha o magawa dito. Ang mga sumusunod ay mga produktong gawa o mula sa niyog:
1. Bunot. Ito ay hinating niyog na ginagamit upang magpakinang ng mga sementadong sahig. Ito ay sinasamahan kadalasan ng floor wax upang mas maging epektibo gamitin.
2. Coco-sugar. Ito ay ang asukal na mula sa katas ng bulaklak ng niyog. Dahil sa matamis na lasa nito, ito ay pinoproseso upang gawing asukal. Ang cocosugar ay maganda sa mga diabetic dahil sa mababang glycemic index nito.
3. Coco peat. Ito yung maliliit na parang malugmog o dumi ng niyog na mula sa bunot. Kapag naalis na ang coir ng niyog ay iniipon ang coco peat at ginagawang medya upang pagpunlaan ng mga halaman.
4. Lihiya. Kilala ang lihaya bilang gamit pangluto lalo na sa paggawa ng kutsinta. Pero ito ay magagawa din mula sa abo ang sinunog na niyog. Kapag nagluluto ng kopra ay kadalasang pinagbunutan ang ginagamit na panggatong upang mapausukan ang kopra. Kapag tapos nang magpausok at naluto ng ang kopra ang mga buong abo ay pwede kunin at ibabad sa tubig upang gawing lihiya.
5. Kopra. Ito yung laman ng niyog na niluluto sa pamamagitan ng pagpapausok dito. Ang kopra ay binibenta ng mga magniniyog at ginagamit bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng shampoo at sabon.
Explanation:
#BrainlyFast