Panandang Diskurso sa ilalim ng Gramatika at Retorika:
Ginagamit at halimbawa ng pagsusunod sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso
Ang mahahalagang gamit ng pang-ugnay o panandang dikurso:
1. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
2. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal na sadyang ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng sanhi o dahilan at bunga, paraan at pati ang layunin, mga paraan at iba pang resulta kasama na rin ang mga pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.
Kabilang na pang-ugnay o panandang diskurso sa bahaging ito ang mga sumusunod: dahil sa, sapagkat at kasi. samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya,kung kaya,kaya naman, tuloy at bunga.
***
Ang retorika ay may tungkuling o layunin naa pagandahin at patimyasin ang isang pahayag, samantalang ang gramatika ay pinangangalagaan ang kawastuhan para maging malinaw ang pagpapahayag. Ang retorika ay tinatayang sining at pati isang agham maging pasalita o pasulat na pagpapahayag. Kung kaya't hindi ito magiging matagumpay kung ang gramatika ay hindi sineseryoso.
Kasama sa retorika ang pag iisa isa kahulugan ng mga salita, parirala, at mga pangungusap. Ang prosesong ito ay komplikadong pag-iisa-isa kahulugan.
May mga halimbawa ng simpleng at komplikadong pag iisa isa ng kahulugan at ang mga ito ay konektado pa rin sa retorika at gramatika.
Ang mga sangkap ng retorika ay ang kaisipang nais ipahayag, pagbuo ng mga pahayag, at pati ang istilo ng pagpapahayag. Ang mga sangkap na ito ay nakasalalay pa rin sa gramatika: pag-aaral ng anyo uri ng mga salita, ang tamang paggamit ng salita, at ang tamang pag-uugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o ideya dahil ang gramatika ay tumutukoy sa kawastuhan ng pahayag. Kinasasangkutan ito ng iba’t ibang bahagi ng pananalita, mga lipon ng mga salita, pahayag, at pangungusap.
May mga patnubay hinggil sa mabisang pagpapahayag na isinasaalang-alang ang gramatika para maging maayos at kaaya-aya ang retorika. Una, dapat tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap. Tiyakin din dapat ng wasto ang mga aspekto ng pandiwa sa pangungusap. At dapat na iwasan ang pagsasama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap.
Tandaan, dapat din na gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at pantulong na sugnay. Kapag ang paksa ay hindi gumaganap ng kilos, gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa.Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.
Answers & Comments