Questions


September 2022 1 1 Report
Simpatiya Ko, Ipaparamdam at Ibibigay sa Iyo Isinulat ni Agnes D. Nocos Oras ng recess, abala sa pagpila sa kantina sina Marites at Helen. Napansin nila na hindi lumabas ng silid-aralan si Marta na noon ay umiiyak. Nilapitan ito ni Marites at pinauna na si Helen sa pagpunta sa kantina. “Anong nangyari, bakit ka umiiyak”? Tanong ni Marites. Matagal bago nagsalita si Marta na noo’y nagda-dalawang isip pa kung sasabihin niya dito ang dahilan ng kaniyang pag-iyak o hindi. “Namatay kasi ang lola ko kagabi, sobrang lungkot ko lang kasi hindi ko akalain na sa ganoong paraan siya mamamatay”. “ Atake sa puso ang ikinamatay niya”. “Hindi ako sanay na wala siya”. “Siya ang nag-aalaga sa akin, nagtitimpla ng gatas ko bago matulog at siya din ang nagtuturo sa akin sa aking pag-aaral,” ramdam ni Marites ang lungkot na nararamdaman ni Marta. “ Ganoon talaga, hindi natin hawak ang panahon.” Ni hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay. Marahil, kinuha na ng Diyos ang lola mo dahil ayaw niya na itong mahirapan pa. ‘Tama na yan halika na, pumunta na tayo sa kantina.” Sa pagkakataong iyon ay gumaan ang pakiramdam ni Marta at tumayo na ito para sumama kay Marites papuntang kantina.“ Salamat Marites, kahit papaano ay may napag-kuwentuhan ako ng aking nararamdamang labis na pagkalungkot sa pagkamatay ng lola ko. “ Walang anuman Marta, basta tandaan mo, kapag may problema ka, huwag kang magda-dalawang-isip na magkuwento sa akin”. “ Lagi mong tatandaan na naririto lang ako para sa iyo”. “Sabay na tayong umuwi mamaya ha, hintayin mo ako. “ Sige hihintayin kita Marites”.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.