Silipin ang bahagi ng florante at laura na pinamagatang ang hinagpis ni florante saknong 1-25 at alala ni laura saknong 26-68 basahin at unawain
magtala ng tiglimang(5) mahalagang pangyayari mula sa binasang bahagi ng florante at laura
(20 points yan)paki gawa ng maayos!
Answers & Comments
Answer:
Ang hinagpis ni florante—
1. Ang dating tinitingalang mandirigma ay walang magawa ngayon at nakagapos lamang sa isang puno sa kagubatan.
2. Sa gubat ay naglalagi ang mga mababangis na hayop na anumang oras ay maaaring umatake at kitilin siya lalo’t wala siyang magagawa dahil sa kaniyang pagkakagapos.
3. Ang katahimikan din ay ang nagdudulot sa kaniya ng matinding pagkalungkot. Kahit ang huni ng mga ibon ay malungkot din ang tunog para kay Florante. Hindi mapigilang malungkot at mabalisa dahil sa kaniyang kalagayan.
4. Hindi niya matanggap na naging biktima siya ng kasamaan ng isang tao. Hindi niya matanggap na wala siyang nagawa upang pigilan ang kasamaang iyon.
5. Hindi matapos sa pagtangis si Florante dahil sa sama ng loob. Dahil batid niyang malawak ang gubat, nawawalan na siya ng pag-asa na siya ay makaliligtas pa at muling makakapiling ang kaniyang pamilya at sinisinta.