SI NESS NA MALINIS Isang masipag, malinis, at mabait na bata ang hinahangaan ng mga taong naninirahan sa Barangay Kalinisan mula sa bayan ng Naujan. Ness, ang kaniyang ngalan. Si Ness ay maagang naulila dahilan sa naaksidente ang kaniyang mga magulang kaya tanging ang lola Nita na lamang niya ang kaniyang kasama sa kanilang tahanan. Dahil na rin sa katandaan ng kaniyang lola, halos siya na ang gumagawa ng lahat ng mga gawaing bahay. Maagang gumigising si Ness araw-araw upang simulan ang kaniyang gawain. Paborito niyang gawin ang paglilinis ng bahay. Pagkatapos niyang tiklupin ang kaniyang higaan, kaagad siyang nagwawalis ng kanilang silidtulugan. Inaayos din niya ang mga kasangkapan sa loob ng kanilang bahay. Winawalisan niya ang ilalim ng mesa, kama, upuan, at kabinet. Nililinis niyang mabuti ang mga sulok na hindi nakikita. Ang mga nakatagong dumi at alikabok ay winawalis niya ng dahan-dahan upang hindi lumipad. Iniipon niya ang mga nakuha niyang dumi at kalat sa isang lugar. "Ooops. Huli kayo!" Sama-sama na kayo ngayong matatapon!” wika ni Ness habang dinadakot niya ang mga kalat. Inilagay ni Ness ang mga kalat at dumi sa isang plastic bag gamit ang walis at pandakot. Pagkatapos ay itinapon niya ito sa basurahan. Sinunod niyang gawin ang pagpupunas ng sahig at mga muwebles o palamuti. Gumamit siya ng mop upang mapunasan ang sahig at basahang tuyo naman para matanggal ang mga alikabok sa kasangkapan. Matapos niyang mapunasan ang sahig ay pinakintab naman niya ang kanilang sahig gamit ang bunot. Muli na namang naging maaliwalas at magaan sa pakiramdam ang bahay nina Ness. Kaya naman lahat ng kanilang kapitbahay ay natutuwa sa kaniya lalong higit ang kaniyang lola Nita. Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel: 1. Sino ang batang masipag at malinis sa bahay? 2. Paano niya nilinis at inayos ang kanilang tahanan? Bakit kailangang linisin ang bahay at bakuran? 3.
Answers & Comments
Answer:
1.Si Ness
2.Nililinis niyang mabuti ang mga sulok na hindi nakikita. Ang mga nakatagong dumi at alikabok ay winawalis niya ng dahan-dahan upang hindi lumipad.
3.upang maging maaliwalas at maging maayos sa paningin natin
Explanation:
sna nakatulong
Answer:
Tumolong sa kaniyang magulang para malinis ito