Si Mikrobyo Sipon Malakas ako. Kaya kong pagkasakitin ang sinuman. Nagsisimula ako sa ilong at lalamunan. Sa bandang huli, maaari rin akong bumaba sa baga. Dala-dala ko ang impeksyon na magpapasakit ng lalamunan. Tonsilitis daw ang tawag dito. Maaaring mauwi ito sa pulmonya kapag bumaba ang impeksyon sa baga. Madali akong pumasok sa katawan ng biktima, lalagnatin at manghihina. May sipon na siya at madali siyang makahahawa sa iba maging bata man o matanda. Higit na malubha ang sipon sa mga batang paslit. Kaya kayong mga bata, mag-ingat kayo sa akin. Ako, si Mikrobyong Sipon. Hi! Hi! Hi! Hi! Hi! 1. Sino ang malakas na pwedeng pagkasakitin ang sinuman? A. ubo C. lagnat B. mikrobyo sipon D. sakit sa tiyan 2. Saan nagsisimula ang sipon? A. mata C. ilong B. lalamunan D. ilong at lalamuna 3. Saan maaaring bumaba ang sipon kapag hindi ito naagapan? A. baga C. tiyan B. puso D. Ulo 4. Bakit nagkakaroon tayo ng tonsilitis? A. Dahil sa pagkain ng marami. B. Dahil sa maduming pagkain. C. Dahil sa impeksiyon na nagpapasakit sa lalamunan dulot ng mikrobyo. D. Dahil sap ag-inom ng malalamig 5. Paano ito mauuwi sa pulmonya?. A. Kapag ang impeksiyon ay bumaba sa lalamunan. B. Kapag ang impeksiyon ay bumaba sa tiyan. C. Kapag ang impeksiyon ay malala na. D. Kapag ang impeksiyon ay bumaba sa baga.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.