Si Langgam at Si Tipaklong Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Pagkatapos lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong. Magandang umaga, kaibigang Langgam, bati ni Tipaklong, kay bigat ng iyong dala. Bakit ba wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain? Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon, sagot ni Langgam. Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam, wika ni Tipaklong. Habang maganda ang panahon tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta. Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong, sagot ni Langgam. Gaya ng sinabi ko sa iyo, habang maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may makain kapag sumama ang panahon. Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tagulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa gabi ay umuulan
nsn taas pobyong sagot na ilalagay ko
Answers & Comments
Answer:
masipag at matiyaga si langgam