Questions


January 2022 1 11 Report
Si Kenneth dela Cruz ay nag-iisang anak ng mayamang mag-asawa. Sila ay
nakatira sa isang magarbong mansyon na napapaligiran ng iba’t ibang punongkahoy
at mga halamang ornamental. Marami din silang paupahang apartment sa iba’t ibang
lugar ng kanilang bayan. Isa namang simpleng maybahay ang kaniyang ina, hindi na
nito kailangang magtrabaho sa dami ng kanilang perang tinatanggap buwan- buwan.
Sa palagay ni Kenneth ay hindi na niya kailangang mag-aral pa. Kampante na
siya na hindi sila maghihirap dahil sa laki ng perang tinatanggap nila mula sa upa ng
kanilang mga apartment. Alam niyang hindi siya mamumulubi hanggang sa pagtanda
niya. Kaya naman wala na talaga sa kaniyang isipan ang mag-aral pa.
“Mommy, hindi ko na kailangang mag-aral pa sa dami ng pera natin siguradong
matutustusan natin ang lahat ng ating pangangailangan. Di ko na kailangang
magtrabaho pa, mabubuhay na ako sa upa pa lang ng apartment natin,” ang palaging
katwiran ni Kenneth sa tuwing pinapagalitan siya ng kaniyang ina kapag lumiliban

siya sa klase. Pati na rin ang kaniyang guro ay nag-aalala sa kaniya dahil sa madalas
na hindi pagpasok nito sa paaralan. Halos tatlong beses sa isang linggo ay binibisita
siya ng kaniyang guro upang kumustahin at hikayating pumasok sa klase.
Muli ay kinausap siya ng kaniyang ina. “Kenneth, anak, kailangan mo pa ring
mag-aral at makapagtapos ng kursong nais mo. Mas mahalaga pa rin ang may pinagaralan, dahil ito lamang ang yaman na hindi nawawala at nananakaw,” ang paliwanag
ng kaniyang ina. Ngunit talagang napakatamad niyang mag-aral mas gusto pa niya
ang maglaro ng kompyuter at mamamasyal kasama ang kaniyang mga kaibigan.
Pagdating sa lakaran talagang napakasipag niya.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasakit nang malubha ang kaniyang
ama, halos anim na buwan din itong nanatili sa ospital. Ayon sa doktor ay malala na
pala ang sakit nito sa baga. Sa laki ng kanilang babayaran sa ospital ay napilitan
silang ibenta ang kanilang mga apartment. Wala na rin silang mapagkunan ng pera
para sa mga gamot na kailangan ng kaniyang ama. Hanggang sa nagdesisyon ang
kaniyang ina na ibenta na rin ang kanilang mansyon. Bumili na lamang sila ng isang
maliit na bahay at nagtayo ng isang maliit na karinderya sa harap nito upang may
maipangtustos sa gamot ng kaniyang ama.
Nagpasya na rin siyang pumasok sa pampublikong paaralan upang ipagpatuloy
ang kaniyang pag-aaral. Naranasan niyang maglakad papasok sa paaralan upang
makatipid. Hindi kagaya ng dati na inihahatid pa siya ng kanilang drayber. “Kung
hindi sana ako nagloko sa aking pag-aaral, siguro ay isa na akong doktor ngayon. Ako
na sana ang manggagamot kay Daddy,” ang wika niya sa sarili. Labis niyang
pinanghinayangan ang lumipas na panahon subalit wala naman na siyang magagawa.
Magsisi man siya ay hindi na niya maibabalik ang nasayang na panahon.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin at isulat ang letra
ng wastong sagot.

4-5. Muling isalaysay sa pamamagitan ng dalawang pangungusap ang naging
pasya ni Kenneth simula ng magkasakit ang kanyang ama.
Pasagot po nito I GIVEYOUR brainlest to correct this

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.