Si Kanan at Si Kaliwa
Maria Darlyne D. Moico
“Hakbang kaliwa, kaya mo ‘yan!”, pagganyak ni Kanan
kay Kaliwa. Patungo ang magkaibigan sa daang magkaibang
komunidad. Una nilang naisipang puntahan ay ang lugar ng
mayayaman. “Wow! Ang laki naman ng mga bahay dito, Kanan.”,
sambit ni Kaliwa. Pumasok ang magkaibigan sa bahay na
may dilaw na gate. Dahan-dahan silang pumasok sa malaking
pintuan ng bahay. Bumungad sa kanila ang isang napakaluwang na sala. May malaking telebisyon,
magagarang upuan, at mga malalaking banga na tiyak ay mamahalin. “Kaliwa, bakit parang walang tao
sa magarang bahay na ito?”, pagtataka ni Kanan. “Oo nga Kanan, napakatahimik naman dito.”, sagot
ni Kaliwa. Napagpasiyahan ng dalawa na pumasok sa isa sa mga silid. Nakita nila ang isang batang
babae, nakaupo sa kama habang naglalaro gamit ang kanyang cellphone. Pinagmasdan ng magkaibigan
ang bata. Tutok na tutok ito sa paglalaro. Pagkatapos nito’y tumungo naman ang magkaibigan sa kusina.
Nakita nila ang isang malaking refrigerator na may dalawang pinto. Ngunit, ang nakaagaw pansin sa
dalawa ay ang puting papel na nakadikit sa may pintuan ng ref. “Anak, umalis na kami ng Daddy mo.
Tiyak na gagabihin kami sa pag-uwi galing sa trabaho. May pera diyan sa may lamesa. Ikaw na ang
bahala. Bumili ka na lang ng makakain mo. Magpakabait ka! - Mama”. Isang tagubilin na nagmula sa
ina ng batang babae. “Nasa trabaho pala ang mga magulang ng bata, Kanan.”, sabi ni Kaliwa.
Napagpasiyahan ng magkaibigan na hintayin ang oras ng pag-uwi ng mga magulang. Alas-diyes na ng
gabi ng bumukas ang malaking pintuan at magkasunod na pumasok ang ina at ama ng bata. Naghanda
na rin sa pagtulog ang mag-asawa gawa ng sobrang pagod nila sa trabaho. Hindi na nila nagawang
puntahan sa silid ang kanilang anak. “Tulog na siguro ang anak natin.”, wika ng ama. Sabay tulog na
din ng mag-asawa. Nagpahinga na rin ang magkaibigang sina Kanan at Kaliwa sa bahay na iyon.
Kinabukasan, naghahanda na ang mag-asawa upang pumasok sa trabaho. Lumabas na rin sa
silid ang bata. Tinanong siya ng kanyang ama kung nakapag-enrol na ba ito para sa darating na pasukan.
6
Natahimik bigla ang bata. Hanggang sa sabihin nito na ayaw niya munang mag-enrol sa darating na
pasukan. Tiyak lamang na mahihirapan itong mag-aral nang mag-isa kagaya noong nakaraang pasukan.
Palaging abala ang kanyang mga magulang sa trabaho at hindi na nasubaybayan ang pag-aaral ng anak.
Sa tagpong ito, nalungkot ang magkaibigang sina Kanan at Kaliwa. Napagpasiyahan na lamang
nilang umalis ng bahay. “Ikaw, Kanan, kaya mo pa ba? Kaunti na lang makararating na rin tayo.”,
panghihikayat ni Kaliwa.
Ang sunod nilang pupuntahan ay ang lugar ng mga
mahihirap. Maliliit ang bahay na kanilang nakikita. Napili nila ang bahay
na
yari sa tagpi-tagping mga kahoy at may nakapatong na mga
gulong ng sasakyan sa kanilang bubong. Pagpasok, bumungad
sa kanila ang isang maliit na lamesang kainan at may tatlong
upuan. Dito nila nakita ang pamilya na nagmamay-ari ng
bahay. Naroon ang tatay, nanay at anak na lalaki. Sabay-sabay nilang
pinagsasaluhan ang almusal na inihanda ng ina. Tig-isang tasang kape at isang supot na pandesal. Tila
masayang nagkukuwentuhan ang mag-anak. Ibinahagi ng tatay ang kanyang karanasan kahapon noong
siya ay nakasama sa pamamahagi ng relief goods sa kanilang komunidad. Isa palang Barangay Tanod
ang ama. “Namigay kami ng bigas, de lata at buhay na manok kahapon.” Nakakatuwa ang mga
kapitbahay natin. Hindi alam kung paano hahawakan ang buhay na manok. Mayroon pa nga na inilagay
sa timba ang manok para daw hindi makawala.”, sabay halakhak ng tatay. “Inaabangan talaga natin ang
tulong mula sa barangay para may pantawid tayo sa pang-araw-araw. Mahirap ang kalagayan natin
ngayon dahil sa COVID-19 na iyan.”, pagbabahagi naman ng nanay. “Ikaw, nakapag-enrol ka na ba
anak para sa darating na pasukan?”, tanong ng ama sa kanyang anak. “Opo Tay! Tinulungan na po ako
ni Nanay. Naipasa na po ni Nanay sa eskwelahan yung pinasagutan.”, sagot ng anak. Sa pagkakataong
iyon, napangiti sa galak ang magkaibigan dahil sa nasaksihan nilang tagpo.
“Ano na Kaliwa, napagod ka ba sa paglalakbay natin?”, tanong ni Kanan. “Nakapapagod pero
isang magandang paglalakbay ang nagawa natin.”, sagot ni Kaliwa. Sabay na nagmuni-muni ang
magkaibigan tungkol sa kanilang naranasan. Hangad ng dalawa na mapabuti ang kalagayan ng unang
pamilya. Lalo na sa desisyon ng anak na huwag na munang magpatuloy sa pag-aaral. Ipinanalangin din
nila na nawa’y maipagpatuloy ng ikalawang pamilya ang higpit ng bigkis ng kanilang pagsasama at
tuluyan makatapos sa pag-aaral ang bata para sa mas magandang buhay sa hinaharap. “Halika na Kanan,
magpahinga na tayo. Marami pa tayong paglalakbay na gagawin.” nagagalak na sambit ni Kaliwa.
Nagpahinga na nga ang magkaibigan para makapaghanda sa susunod na paglalakbay.
Mga Tanong Tungo sa Pag-unawa
1. Ilarawan ang dalawang pamilya na nabanggit sa kuwento.
Unang Pamilya:
Ikalawang Pamilya:

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.