Questions


March 2021 0 4 Report
“Si Juan Na Laging Wala Sa Klase" Si Juan Franciso ay anak ng mayamang mag-asawa. Pagmamay-ari ng ama niya ang pinakamalaking hacienda sa baryo nila.
Isa namang simpleng maybahay ang ina niya, hindi na nito kailangang magtrabaho sa dami ng pera nila.
Dahil nag-iisa siyang anak ng mayamang mag-asawa, kampante si Juan na hinding hindi na siya mamumulubi hanggang sa
pagtanda niya. Ito ang dahilan kung bakit tamad siya mag-aral.
"Hindi ko naman kailangan gumradweyt, e, hindi ko na nga kailangan mag-aral sa dami ng pera niyo ni daddy,” palaging
katwiran ni Juan tuwing pinapagalitan ng ina dahil sa hindi pagpasok sa klase niya.
Nagpatuloy ang hindi kaaya-ayang gawain ni Juan. Kahit guro niya ay pinupuntahan na siya sa bahay nila upang kamustahin
kung bakit wala siya sa klase.
"Anak, kailangan mong mag-aral. Ang pinag-aralan ang tanging bagay na hinding-hindi makukuha sa iyo ninoman," sabi ng ina
ni Juan pagkaalis ng guro niya.
Hindi na mabilang-bilang ang mga pagkakataong pinuntahan siya ng guro niya sa bahay nila. Ngunit, talagang tamad si Juan.
Mas gugustuhin pa niyang lumiban sa klase at maglaro sa kompyuter o mamasyal kasama ang barkada.
Isang araw, habang naglalaro ng kompyuter si Juan at kaibigan niyang si Pedro sa kwarto niya, may narinig siyang isang
malakas na sigaw ng ina niya.
"Juan! Juan! Ang daddy mo," sabi ng ina ng batang tamad mag-aral.
Inatake sa puso ang ama ni Juan. Sinundan ito ng iba't ibang komplikasyon. Halos dalawang buwan na nakaratay ang daddy
niya sa ospital bago ito pumanaw. Pati yung hacienda na pagmamay-ari nila ay naibenta pambayad sa gastusin sa ospital.
"Anak, sa darating na pasukan, kailangan mong lumipat ng eskwelahan. Hindi na natin kakayanin yung bayarin sa pribadong
paaralan diyan sa baryo," malungkot na sabi ng ina ni Juan sa kanya.
Naghirap silang mag-ina. Maraming pagkakataon na kinailangan ni Juan na pumunta sa paaralan na walang laman ang tiyan
o ang bulsa niya. Doon niya napagtanto na kung sana e nag-aral siya ng mabuti eh gradweyt na siya sa kolehiyo at makakatulong na
sa ina niya.
Mas bata sa kanya ang mga kaklase niya at ang mga kasing-edad niya naman ay nagtatrabaho na. Labis ang panghihinayang
ni Juan sa mga nasayang na panahon ngunit wala na siyang magagawa.
"Kung sana pinahalagahan ko na noon pa ang pag-aaral ko, 'di sana hindi na nahihirapan si Mama maglabada," ang pagsisisi na
laging bumubungad sa kanya sa tuwing makikita ang ina na hirap na hirap makakain lang sila.



1. Sa umpisa ng kwento, ano ang kalagayan ng pamumuhay nina Juan?
2. Ano ang katangian ni Juan sa umpisa ng kwento? Bakit mo ito nasabi?
3. Bakit laging pinupuntahan ng guro si Juan sa kanilang tahanan?
4. Ano ang mga katangian ng mga magulang ni Juan? Bakit?
5. Ano ang naging kalagayan nina Juan matapos mamamatay ang kanyang ama? Bakit?
6. Ano ang napagtanto ni Juan sa kanyang hindi pagpasok at pagpupursigi sa pag-aarala? Ano ang nasabi nya
sa kanyang sarili?
7. Sa huli, paano sinusolusyunan ni Juan at ng kanyang ina ang kanilang sitwasyon?

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.