Questions


April 2021 2 42 Report
Si Jose, Ang Batang Magalang
ni Arjohn V. Gime
Bukas ay araw na ng pasukan. Lahat ng mga mag-aaral ay sabik ng pumasok sa paaralan. Habang nag-aayos ng gamit si Jose
para sa kaniyang unang araw sa ikaapat na baitang, bigla siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit si Jose
sa kaniyang ina.
"Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga kakailanganin natin para sa lulutuin kong adobong manok."
Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan? Tanong ni Jose.
"Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo" tugon ni Nanay Lorna kay Jose.
"Sige po Nay! Tugon ni Jose.
Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang Melchor.
"Magandang tanghali po, Mang Melchor!" bungad ng masiglang bata sa may-ari ng tindahan.
"Magandang tanghali rin sa iyo. Ano ang bibilhin mo?" tanong ng tindero sa bata.
"Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong paminta, isang bote ng mantika, suka at toyo." "magkano po
lahat?"tanong ni Jose.
"Limang pisong paminta, bente pesos ang mantika, sampung piso ang suka at kinse pesos naman ang toyo. Kaya lahat-
lahat ay limampung piso," ang tugon ng nakangiting tindero.
"Salamat po, Mang Melchor," "Walang anuman, Jose!"
Sa kaniyang pag-alis ng tindahan, nakasalubong naman niya si aling Helen na kanilang kapitbahay.
"Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayo rito sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi na kayo
napagod." "Naku oo nga e, may kulang pala ako sa aking lulutuing pananghalian. O di ba may pasok ka na bukas?"
"Opo kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit at hindi muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang
makapagpahinga. Maghapon na naman po kasing titigil sa paaralan at hindi na makatutulong sa tanghali. Sige po mauna na ako."
Magandang araw po, Mang Caloy, pahinga muna kayo, "ang kaniyang bati sa kaibigang abala sa pag-aayos ng kaniyang sirang
tricycle, sabay kaway.
"Uy, Ben. Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na at mainit na ang sikat ng araw. Pasukan na natin bukas. Sige
ka, ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis, mo ang mga mangyayari sa unang araw ng pasukan natin, Ang paalala ni Jose sa
kaniyang kaklase na abala sa pagbibisikleta malapit sa kanilang bahay.
At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May ngiti sa labi dahil nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita niya at nabati
ang mga taong malapit sa kaniyang puso.
Sa isip niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga taong kaniyang nakita sa pagbili niya sa tindahan ni Mang Melchor.
Basahing mabuti ang mga tanong bago sagutin ng maayos sa isang malinis na papel.
1. Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang? (1 puntos)
2. Bakit sinasabing batang magalang si Jose? (1 puntos)
3.Katulad ka ba ni Jose? Bakit? Bakit hindi? (2 puntos)
4. Sino ang pupunta ng tindahan? ( 1 puntos)
5.Kaninong tindahan siya bumili? (1 puntos)
6.Ano-anong pahayag ang ginamit ng bata na nagpakita ng pagiging magalang? (3 puntos)
7.llarawan ang isang batang magalang? (1 puntos)
8.Kung ikaw si Jose , gagayahin mo rin ba ang mga sinabi niya sa kaniyang Nanay Lorna at Mang Melchor? Bakit? (5 puntos)
Explanation:
PA HELP PO PLEASE KAILANGAN KO PO ITO NGAYON ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.