Questions


October 2022 1 4 Report
Si Gustin
Si Gustin ay isang batang mangangalakal ng basura. Kasama niya ang kaniyang kaibigan sa pangangalakal upang may ipangbaon sa pag-aaral. Ang kaniyang nanay ay labandera at ang kaniyang tatay ay isang drayber. Isang araw habang sila ay nangangalakal, nakapulot si Gustin ng isang bag na naglalaman ng maraming pera. Kahit anong pambubuyo ng kaniyang kaibigan ibinigay pa rin niya ito sa kapitan ng kanilang barangay. Pinaghintay ng kapitan si Gustin at nang sila na lamang dalawa ang naiwan ibinalik ng kapitan kay Gustin ang bag matapos matiyak na walang pinagsabihan si Gustin maliban sa kaniyang kaibigan. Binigyan siya ng kapitan ng dalawang pagpipilian. Una, dadalhin nila sa munisipyo para mailagay ito sa ligtas na lugar at tutulungan siya na hanapin ang may-ari. Pangalawa, gamitin ito sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. Hinayaan siya ng kapitan na mag-isip nang mabuti at hihintayin ang magiging pasya nito. Maliit pa lang na bata kilala na sa pagiging matapat si Gustin sa kanilang lugar, pati ang kaniyang mga magulang, mahirap ngunit marangal. Ang naging desisyon ni Gustin ay isauli ang pera sa may-ari. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? ____________________________________________________________________________________ 2. Ilarawan ang mga pangyayari o kaganapan sa kuwento na nakapukaw sa iyong damdamin. ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 3. Kung ikaw si Gustin, gagawin mo din ba ang ginawa niya? Bakit? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 4. Kung dudugtungan mo ang kuwento, sa anong paraan mo ito gustong magwakas? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.