Si Brownie Si Brownie ay aking alagang aso. Ang aking aso ay masamang magalit. Minsan ay may pumasok na malaking manok sa aming bakuran. Kaagad niya itong tinahulan. Kung hindi lamang siya nakatali nang mahigpit, malamang na habulin niya ito. Nagulat ang manok at tumakbo ito nang mabilis palabas ng bakuran. Kagabi ay hindi ko naitali si Brownie. Panay ang ungol niya. Mayamaya ay may tinahulan siya nang malakas. Biglang lumukso si Brownie sa kanyang tulugan at may hinabol. Dali-dali kong sinilip ang aking alaga. May napatay siyang daga! Bahagya pa niyang ginalaw ang kanyang buntot nang makita ako. Kaagad kong binitbit sa buntot ang daga at ipinakita kay Tatay. Masayang hinimas ni Tatay si Brownie. "Talagang maaasahan ang asong ito," sabi niya. Tanong: 1. Saan naganap ang kuwento? 2. Ano ang katangiang ipinakita ni Brownie? 3. Ano ang napatay ni Brownie? 4. Bakit kaya bahagyang ginalaw ni Brownie ang buntot nang makita ang amo? 5. Bakit kaya sinulat ang kuwentong "Si Brownie"?
Answers & Comments
Verified answer
Explanation:
1.) Ang kwentong "Si Brownie" ay naganap sa kanilang bakuran.
2.) Ang katangiang ipinakita ni Brownie ay ang pagiging masunurin.
3.) Ang napatay ni Brownie ay ang isang daga.
4.) Ginalaw nya ang kaniyang buntot para sya ay makita ng kanyang amo.
5.) Isinulat ang kuwentong si Brownie para mapakita sa ibang bata ang katangiang pagiging masunurin.