Questions


August 2022 1 1 Report
Setyembre 1, 2015
Malapit na ang kaarawan ni Isay, ang bunso naming kapatid. Mag-iipon
ako para maibibili ko siya ng regalo. Magtitira ako sa baon kong PHP
40.00 araw-araw para may maipon ako. Ililista ko araw-araw ang mga
pinaggastusan ko ng aking baon. Mayroon pa akong dalawang linggo para
mag-ipon.
Setyembre 2, 2015
Ito na ang araw ng pagsisimula ko ng aking pag-iipon.
Narito ang mga pinaggastusan ko ng aking PHP 40.00 baon:
Pamasahe PHP 14.00
Meryenda PHP 10.00
Kompyuter
(para sa proyekto) PHP 10.00
PHP 34.00 ; Natipid ko: PHP 6.00
Setyembre 3, 2015
Nakaipon ako ng PHP 6.00 ulit! Masaya ako.
Setyembre 7, 2015
Nakapag-ipon ako noong Biyernes ng isa pang PHP 6.00. Mayroon na
akong PHP 18.00 tapos idaragdag ko ang naipon ko ngayong PHP 5.00.
May PHP 23.00 na akong naipon.
Setyembre 8, 2015
Sinabi ni Kuya na tutulungan niya akong makapag-impok. Naglakad
kami pauwi pagkatapos ng klase. Nakapapagod, pero masaya naman
kaming nagkukuwentuhan habang naglalakad. Mapayapang lugar naman
ang aming bayan kaya ligtas kaming nakauuwi araw-araw.
Pamasahe PHP 7.00
Meryenda PHP 10.00
Pananghalian PHP 20.00
PHP 37.00 ; Naipon: PHP 3.00
4

Setyembre 15, 2015
Mahigit isang linggo na rin akong nag-iipon at nakapag-ipon na ako ng
PHP 46.00. Idaragdag ko sa mga naipon ko ang natipid ko ngayong PHP
4.00
Pamasahe PHP 14.00
Meryenda PHP 10.00
Proyekto (Matematika) PHP 12.00
PHP 36.00
Setyembre 22, 2015
Mula noong Setyembre 15 hanggang kahapon, Setyembre 21, ang naiipon
ko ay nagkakahalaga na ng PHP 77.00. Ito rin ang araw ng kaarawan ni
Isay.
Pumunta kami ni Kuya sa tindahan kanina. Nabili namin ang manyikang
matagal nang tinitingnan ni Isay tuwing mapapadaan kami roon – PHP
50.00 lang! Inisip naming bumili rin ng tsokolate, pero sabi ni Kuya, itabi
na lang daw namin ang butal. Malapit na rin kasi ang kaarawan ni Nanay
at malapit na rin ang Pasko



1. Ano-ano ang kaniyang ginawa upang makatipid?
2. Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.