Pagsasanay 2:
Panuto: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na katangian na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa nabibilang ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang.
Pagiging Palatanong (Curiosita)
Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi (Persistence) at ang Pagiging Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali (Dimostrazione)
Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang Mabigyang-buhay ang Karanasan (Sansazione)
Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato)
Ang Paglalapat ng Balanse sa Sining, Siyensya Lohika at Imaginasyon (Arte/Scienza)
Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita)
Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng Bagay (Connessione)
_1. Pag-iwas sa anumang bisyo na nakasasama sa katawan.
_2. Pangangalap ng impormasyon sa isang bagay.
_3. Kailangan ng tao ang pagkain na nagmumula sa mga hayop, puno at halaman. Bilang kapalit at bahagi ng kapaligiran, pinangangalagaan ng tao ang mga hayop, puno at halaman.
_4. Sa kabila ng kanyang kapansanan, naging isang matagumpay na manlalaro si Martin.
_5. Pinangarap ni Mark na magkaroon ng isang restaurant kaya nagsimula siyang magluto ng mga ulam na binebenta sa mga kapitbahay. Sa unang subok ng pagluluto, konti lang ang naibentang ulam. Pumasok sa isang eskwelahan ng pagluluto si Mark at pursigidong matapos at makapag-umpisa uli.
_6. Ang pagsasaliksik ng mga kilalang indibidwal upang makabuo o makalikha ng produkto na makatutulong at magiging kapaki-pakinabang sa tao.
_7. Ang paggamit ng panaginip sa paggawa ng mga disenyo sa kanyang proyekto.
_8. Pakikipanayam sa mga matagumpay na tao sa larangang nais.
Answers & Comments
Answer:
1.Corporalita
2.Persistence
3.Connessione
4.Sansazione
5.Dimostrazione
6.Curiosita
7.Arte/Scienza
8.Sfumato
Explanation:
sana makatulong aral pa rin ng mabuti ha