Pagsasanay:3 Hahanapin Ko’t Ilalantad Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba. Hanapin ang lahat ng mga salawikain, kasabihan, at sawikaing ginamit. Pagkatapos, isulat ang lahat ng ito sa kahon sa ibaba at ibigay ang kahulugan ng mga ito batay sa pagkakagamit sa teksto. Magdagdag ng kahon kung kinakailangan.

Buhay-Estudyante Ikapitong-langit ang nadarama ng sinumang estudyante dahil sa pagkakataon nilang makapag-aral sa kabila ng kahirapan ng buhay. Dahil dito, marami sa kanila ang nagsusunog ng kilay sa hangaring maipasa ang lahat ng asignatura. Gaano man kahirap ang mga gawaing pampaaralan, kailanma’y di sumagi sa kanilang isipan na itaas ang kanilang watawat. Alam nilang sa likod ng makapal na ulap ay may nakatagong liwanag. Nakatutuwang isipin, marami sa mga mag-aaral na ito ang kayod kalabaw para masuportahan lamang ang pag-aaral. Tinitiis din nila ang maraming pagkakataong kinakalambre ang kanilang tiyan. Marami rin sa kanila ang natutong mamaluktot dahil sa maigsi ang kumot. Ang masaklap, malimit na butas ang kanilang bulsa. Ibayong sipag at tiyaga ang ipinamamalas nila dahil ayaw nilang maranasan ang tulad ng iba riyan na walang ibang gawin kundi magbilang lamang ng poste. Lalong ayaw nilang maituring na mga laman ng lansangan. Ibayong atensyon din ang kanilang ibinibigay sa kanilang pag-aaral sapagkat ayaw nilang makakuha ng kalabasa sa anumang pagsusulit sa alinmang asignatura. Lahat ay ginagawa rin nila upang makadaupang-palad ang sinumang nakasasalamuha. Sa kabilang banda, abo’t batok ang ngiti ng mga estudyanteng ito kung may mga indibidwal na bukas ang diddib. Pinasasalamatan nilang lubos ang taong tulad nila. Oo, dalangin nating magtagumpay ang mga estudyanteng tulad nila. Mainit na komendasyon ang ibig nating tanggapin nila. Isa ka ba sa kanila?

MGA SALAWIKAIN/KASABIHAN/SAWIKAING GINAMIT
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

kahulugan ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.