Questions


December 2021 1 4 Report
(Sariwa) ang mga gulay at prutas na nabibili sa lalawigan. *
1 point
A. payak
B. maylapi
C. inuulit
D. tambalan
2. (Takipsilim) na nang dumating si Rey sa kanilang tahanan. *
1 point
A. payak
B. maylapi
C. inuulit
D. tambalan
3. Kaarawan ng aking bunsong kapatid kaya (magarbo) ang aming hinandang pagkain. *
1 point
A. payak
B. maylapi
C. inuulit
D. tambalan
4. Maraming tao ang (hikahos) sa buhay dahil sa nawalan ng trabaho dulot ng pandemya. *
1 point
A. payak
B. maylapi
C. inuulit
D. tambalan
5. Ang mga tao ay (galit na galit) sa nasaksihang maling ginawa ng pulis. *
1 point
A. payak
B. maylapi
C. inuulit
D. tambalan
II. PANUTO: Piliin ang kailanan ng pang-uri na nasa loob ng panaklong.
(6-10)
6. (Kapwa malikhain) ang mag-inang Tiffany at Violet. *
1 point
A. isahan
B. dalawahan
C. maramihan
7. (Masipag) si Mike kung kaya nais siyang tularan ng kaniyang mga kaibigan. *
1 point
A. isahan
B. dalawahan
C. maramihan
8. Ang aking mga kamag-aral ay (mababait). *
1 point
A. isahan
B. dalawahan
C. maramihan
9. (Magkalahi) ang naging bisita ng aking mga magulang. *
1 point
A. isahan
B. dalawahan
C. maramihan
10. (Magagalang) na mga mag-aaral ang sumalubong sa akin sa paaralan. *
1 point
A. isahan
B. dalawahan
C. maramihan
III. PANUTO: Piliin ang ipinahihiwatig na damdamin o katangian ng tauhan na inilalarawan sa bawat pahayag.
(11-15)
11. Walang pagsidlan ang aking kaligayahan nang magwagi ako sa patimpalak ng Tagisan ng Talino. *
1 point
A. pagkabagot
B. pagkatuwa
C. pagkamangha
12. Bakit kaya hindi siya nagsasawang tumulong sa mga nangangailangan? *
1 point
A. pagtataka
B. pagkainis
C. pagkabagabag
13. "Panginoon, nawa'y tulungan Mo po kami na malayo sa kapahamakan". *
1 point
A. maalalahanin
B. mahabagin
C. madasalin
14. Ano ba, ang baho mo naman. Lumayo ka nga sa akin. *
1 point
A. mabait
B. masungit
C. matulungin
15. "Hayaan mo Inay, paglaki ko po ay bibilhan kita ng magandang bahay" ang sambit ni Danielle. *
1 point
A. mabait
B. magalang
C. masama
IV. PANUTO: Piliin ang angkop na wakas sa mga sumusunod na sitwasyon.
(16-20)
16. Overweight ang anak ni Mang Rey dahil mahilig magluto ng matatamis na pagkain ang kaniyang asawa. *
1 point
A. magkakaroon ng sakit sa bato
B. magkakaroon ng sakit sa balat
C. magkakaroon ng sakit na diabetes
17. May pagsusulit si Cristy sa susunod na linggo. Tuwing gabi ay naglalaan siya ng dalawang oras para mag-aral. Kumakain siya ng masusustansiyang pagkain at natutulog nang maaga. *
1 point
A. makakatulog sa paaralan
B. makakakuha ng mataas na marka
C. hindi makakapasa sa eksam
18. Mabait na bata si Rhea. Mahilig siyang magbigay ng pagkain sa kaniyang mga kaklase. Isang araw, nakakita siya ng batang pulubi at hawak-hawak nito ang kaniyang tiyan. *
1 point
A. magbibigay ng pagkain sa bata
B. hahayaan lang ang bata
C. hindi papansinin ang bata
19. Laki sa layaw ang magkapatid na Marites at Shane. Nang maaksidente ang kanilang magulang ay tumira sila sa kanilang kamag-anak sa lalawaigan. *
1 point
A. yumaman
B. naghirap sila
C. nawalan ng mana
20. Tinanghali ng gising si Jamelle. Dali-dali siyang nagbihis upang pumasok sa paaralan. Napansin niyang tinitingnan siya ng kaniyang magulang at nagtataka kung saan siya pupunta. *
1 point
A. may eksam
B. may pasok
C. walang pasok
V. PANUTO: Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
(21-25)
Aligaga si Aling Marie sa pagluluto ng pananghalian. Kaya naman sinabihan niya si Micah na bantayan ang kaniyang bunsong kapatid. Dahil abala si Micah sa paglalaro ng kaniyang cellphone, nakalimutan niya ang bilin ng ina. Nahulog nang di niya namalayan ang bata sa kuna at nagkaroon ng bukol sa noo. Awang-awa si Micah sa sinapit ng kanyang kapatid.
21. Anong nangyari nang hindi sumunod si Micah sa tagubilin ng kaniyang ina? *
1 point
A. Naglaro si bunso sa kuna.
B. Nahulog sa kama ang kanilang bunso.
C. Nahulog sa kuna ang kaniyang kapatid.
22. Ano ang ginagawa ni Aling Marie ng araw na iyon? *
1 point
A. nagluluto ng agahan
B. nagluluto ng tanghalian
C. nagluluto ng merienda
23. Ano ang naging paalala ni Aling Marie sa kaniyang anak? *
1 point
A. mag-alaga ng bunsong kapatid
B. mag-alaga ng kanilang halaman
C. maglaro ng kaniyang cellphone
24. Tama ba ang ginawa ni Micah? *
1 point
A. Opo.
B. Hindi po.
25. Ano ang naging bunga ng hindi pagsunod sa kaniyang ina? *
1 point
A. pinagalitan
B. pinagbantaan
C. pinagtawanan​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.