Gawain 6: Text-to-Self! Pasuto: lugnay ang sariling karanasan sa mga makatotohanang pangyayari o karanasan sa akdang "Ang Mahiwagang Tandang" sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag nasa bawat hugis, Sundin ang balangkas sa ibaba. Sang-ayon ako/ Hindi ako sing- avon sa aking nabasa dahil tatay aking sariling karanasan Ang makatotohanang pangyayari sa akda na maiuugnay ko sa aking buhay ay Ang aral na maiuugnay ko sa aking buhay mula sa akdang binasa av dahil/ sapagkat
Answers & Comments
Verified answer
Ang Mahiwang Tandang
Sang ayon ako sa aking nabasa dahil batay sa aking karanasan ay madalas mong maririnig ang pagtilaok ng manok sa umaga na tila gingising ka upang makapag umpisa sa iyong tungkulin. Batid din ng akda na pagtanggap ng responsibilidad ay napakaimportante tulad ng tinaggap ni sundalong orasan ngunit sa bandang huli ito ay kanyang pinabayaan kaya't nagdulot ng kaguluhan.
Ang makatotohanang pangyayari sa akda na aking maiuugnay sa aking buhay ay karanasan ni sundalong orasan. Tulad niya, ako bilang isang mag-aaral ay may tungkuling mag sunog ng kilay upang makapagtagumpay sa aking edukasyon. Ngunit dahil sa pakikipagsaya sa aking mga kaibigan, panonood ng tv, paggugol ng oras sa social media at paglalaro sa cellphone, napapabayaan ko ang aking pag-aaral. Ganun din kapag ako ay binigyan ng tungkulin sa mga gawaing bahay, dahil mas gusto kong unahin mag laro ay ipagpapaliban ko ito at ito naman ay ikakagalit ng aking mga magulang.
Ang aral na maiuugnay ko sa aking buhay mula sa akdang aking binasa ay dapat magkaroon tayo ng pananagutan sa ating mga tungkulin. Tulad ni sundalong orasan kapag tayo ay binigyan ng katungkulan dapat ay gawin natin itong mabuti kundi ay magkakaroon ng kaguluhan, nagaway- away ang mga sultan na siya naman kinagalit ng bathala. Bilang isang kabataan mabuti na habang bata pa ay matutunan ng magpahalaga sa katungkulan at obligsyon na binibigay sa atin.
#BrainlyFast