Questions


December 2021 1 18 Report
SANHI O BUNGA
1. Napili ang Tagalog sapagkat ito ang intelektwalisadong wika na matatagpuan sa Pilipinas.
2.Dahil sa pagpapatupad ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa kaya marami na ang gumagamit nito.
3. Ang wikang Pambansa ay naging daan sa pagkakaunawaan kaya ipinanukala ito ni Pangulong Quezon.
4. Kulang na kulang ang mga aklat na nalimbag hinggil sa wikang katutubo kaya naman hindi ito napapag-aralan ng mga mag-aaral.
5. Salamin ng pagkakakilanlan ng isang bansa ang kaniyang sariling wika dahil ito ang bumubuo ng kanyang katauhan.
6. Buhat sa mensahe ni Pangulong Quezon sa Unang Pambansang Asemblea ay dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.
7. Ayon sa Komisyon ng Wikang Pambansa ay habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at payamanin nang nakasalig sa katutubong salita upang mabigyan ng pagpapahalaga ang ibang wika sa Pilipinas.
8. Sensitibong bagay ang pagbabago ng polisiya kaugnay sa wika kaya naman ay dapat na maging maingat ang pangulo sa pagpili ng karapat-dapat italaga.
9. Napatunayan na ang wikang Filipino ay kayang tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika ng rehiyon sapagkat ang komposisyon nito ay hindi nalalayo sa naturang wika.
10. Bunga ng pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal ay dalawang wikang umiiral sa bansa ang gagamiting panturo sa paaralan.
11. Dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at disiplina upang mas mapalaganap at mapaunlad ang wikang Filipino.
12. Ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino dahil sa masyadong mahabang katawagan ang “Wikang Pambansang Pilipino”.
13. May sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga Kastila kaya’t masasabing mayaman ang ating kultura.
14. Nagkaroon ng iba’t ibang rebisyon sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino upang mas mapalawak at mapaunlad pa nito ang wika.
15. Kailangang ganyakin at itaguyod ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo nang makabuo ng orihinal na obra at mga materyales na reperensiya sa iba’t ibang disiplina.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.