Oo at hindi. Kung iyong iisipin, ito'y 'di hamak na makabubuti sa mga estudyante at mga magulang nila na kapos sa mga gastusin at hirap sa pagtawid sa pangaraw-araw na buhay lalo na sa panahong ito. Nitong Hunyo lamang ay mayroong naitala na 7 milyong estudyante ang hindi nagpalista sa mga papasok sa paaralan. Ang hirap sa edukasyon noon ay tila mas lumala ng lima pang beses ngayon. Sa kabilang banda, mayroon pa rin namang mga taong maghihirap kung sakaling ito'y matuloy (academic freeze) katulad ng mga guro at iba pang empleyado ng mga eskuwelahan. Mataas ang aking respeto sa mga guro at lalo na lamang tumaas sapagkat sinusubukan nilang makipagsabyan sa mga estudyante, makapagturo lamang. Hindi dapat tayo pumili o mawalan ng pagpipilian sa mga bagay na kailangan at karapatan natin. Kailangang panagutin ang mga taong walang maayos na hakbang na ipinapatupad at konkretong plano para sa kapwa mamamayan. Ligtas na balik eskuwela ang nararapat na mangyari ngunit papaano ito maipapasapatupad kung patuloy na magbubulag-bulagan sa mga maling gawain ang mga mamamayan nito?
Answers & Comments